0

Jamming Time

Ngayon na lang ulit ako nakapaggitara with friends. Magandang pakinggan yung kantahan namin kanina, swak yung mga boses namin sa tunog ng gitara, kasabay pa ng ulan. Nakakatawa nga lang kasi tuwing bibirit ako, biglang lumalakas ang ulan. Haha.

Halos mga kanta nung highschool ang tinugtog namin, lahat tuloy kami napapangiti. Dami kasing alaalang kasama ng mga kanta. Yung iba may mga kwento, yung iba wala lang. Basta, mga kanta yun nung panahon namin.

Sa lahat ng kinanta namin kanina, pinakanagustuhan ko yung When you say nothing at all. Kinakanta kasi namin yun noon tuwing MTAP review sa library. Natutunan ko rin ang second voice nun. Kanina, nirequest ko na kantahin ng kaklase ko yung melody para ma-practice ko yung second voice (kung kaya ko pa!)

Tinugtog ko yung pangalawang stanza, kinanta niya yung melody, sinabayan ko ng second voice. 

Kumanta na nga kami, na akala mo e sigurado sa tono. At napangiti na lang ako, labas dimple. Ang sarap pakinggan 🙂 Tumahimik yung mga kwentuhan, pati ulan at hangin nakinig. Napanganga rin yung iba pa naming classmates (o baka akala ko lang pala haha) habang nakikinig.

Ang sarap kumanta. Pakiramdam ko nagningning mga mata ko kanina habang kumakanta at inaalala ang highschool memories naming lahat. 🙂 Naalala kong nagduduet din kami ni classmate dati pag naghihintay kami ng teacher. Napailing ako sa tuwa kasi kaya pa rin pala naming kumanta nang sabay, nasa tono pa rin. Napangiti na lang talaga ako. Ang galing! Yey! Sa uulitin!

Advertisements
0

Sofa Thoughts

Humiga ako sa sofa kanina at pagpikit ko, maraming bumalik na alaala.

Naalala ko nung humiga ako sa faculty lounge namin sa school kasi masama ang pakiramdam ko. May nakakita sa aking ibang teacher at sinumbong ako sa coordinator ko. Nung nasa clinic na ako, pinagsabihan ako ng coordinator ko na wag na akong hihiga doon para walang masabi ang iba. Dumiretso na lang daw ako sa clinic pag di okay ang pakiramdam ko. Simula nun, napadalas na ang paghiga ko sa clinic hehe.

Naalala ko tuloy yung araw na pumasok ako kahit hinang-hina ako. Na-guilty ako kasi pangatlong araw na akong absent, at huli na kami sa lessons, e kailangan nang mag-quiz. Kaya pumasok ako. Pero akala ko lang pala kaya ko na. Halos kakaupo ko lang sa classroom, naramdaman ko agad ang hilo. Ayun, balik clinic. Di ko na ikukwento anong nangyari pababa galing sa Room 501. Basta, okay naman na ako hehe.

Naalala ko tuloy yung mga araw na nasa school ako at nagtuturo. Nakaka-miss. Noon, parang tuloy-tuloy lang ang mga araw, hindi ko nararamdamang nagtatrabaho ako. Basta para lang akong nabubuhay. Ibig kong sabihin, nung nagtuturo ako, dama kong masaya na ako sa ganung buhay. I felt like I’m living the life I want. At palagay ko naman, yun din ang buhay na gusto ng Diyos para sa akin nung mga panahong yun. Seryoso. Ewan ko lang ngayon. Hehe. Darating din tayo diyan.

Naalala ko tuloy yung sabi ni Ate Love sa akin dati, “May iba-iba tayong calling sa ibat-ibang panahon.” Something ganun. At in fairness, sang-ayon ako sa kanya. Saan kaya ako tatawagin sa susunod? 🙂

0

Writing memories

If I am to write a book, it would be about my memories. Those are my treasures and I want to immortalize them by writing them down in a book.

When I was in college, a classmate told me that I write my memories too long. I really felt down those times and tried to limit all my journal entries to just 100 words. Then little by little, I felt so restricted that I became reserved in writing down what I really want to say.

Tonight, I am giving myself permission to write memories using all the words I need. (I actually intended to write this particular entry using 100 words, but HAHA I want to break that for now) May this entry remind me to write from the heart, without any reservations :)) (Though, of course, there will be times when I will choose to use just 100 words in writing down my memories, and that’s okay. I don’t see any problem with that at all. Hehehe) 🙂 ❤

2

Moongazing

8

Pag nakakakita ako ng buwan,
Naaalala kita.
Naaalala ko yung moongazing natin.
Grabe no, nakaka-miss.

Dami nating napagkwentuhan nun –
Yung childhood days mo sa probinsya,
Mga ibig sabihin ng mga kanta,
Saka kung anu-ano pa.

Nakaka-miss ka naman.
Salamat naging close tayo.
Salamat sa pagkakaibigan.
Ang tanong, hanggang dun na lang ba talaga?

Hahaha uy wag mong seryosohin!
Pero kung gusto mo, pwede rin. 😉
Pero kahit gustuhin pa natin
Di naman pwede e, alanganin.

Basta.
May basta kasi.
Ayoko nang sumingit.
Ayoko namang mangulit.

Ayoko ring umasa
Kasi wala naman talaga.
Titingin na lang ako sa buwan
Tapos aalalahanin kita 🙂