0

Home

There are people and places that feel home to us. Yung feeling safe tayo, pwede tayong mag-express ng sarili, pwede tayong maging kung sino lang tayo, komportable, magaan ang pakiramdam, we can dream, we can laugh, we can make mistakes and be forgiven, we can cry and not be judged, we can be just who we are. Ganern. Sa 28 years ng buhay ko, marami nang mga tao at lugar ang naging “home” para sa akin. Iisa-isahin ko sana pero yung top 3 na lang siguro.

  1. UP. Maisip ko pa lang ang UP, pakiramdam ko agad pwede akong huminga. Haaaaaayyyy. Naiimagine ko yung mga puno sa oval, tapos naglalakad ako o kaya nagba-bike o nakaupo lang sa damuhan o sa upuan o kaya nakasakay sa jeep. Kahit ano pang ginagawa ko dun, feeling ko at home ako. Malaking bahagi ng buhay ko ang UP. Andyan ang dorm life at org life ko, mas nakilala ko sarili ko, na-explore mga ibat-ibang kaya kong gawin, nakasalamuha ko ibat-ibang tao. Nung college din ako natutong mag-set ng priorities. Surprisingly, marami pala akong ginagawa noon pero parang lagi naman akong may time for everything hehehe. Nakaka-happy alalahanin πŸ™‚ Thank you syempre sa mga naging circle of friends ko noon– 239ers, UPCYM, DCF, UPCC, Buffet-ers (!!!), Eduk choir. Isama na rin natin ang Edcirc at GL hehehe. Ayuuun, masaya ang UP life ko. Nakaka-misss!!!
  2. FCPC. Hihihi. Isang lugar pa ito na feel na feel kong at home ako. :)) Pag naiisip ko yung school, sumasaya ang puso ko haha. Naiisip ko mga happydays ko ng pagtuturo, pagko-coach, kwentuhan with coteachers at estudyante at iba pang staff sa school, storytelling ng children’s books sa kung saan-saan, Math club(!!), MTAP memories, field demo, intrams, teacher’s day, at iba pang events! Syempre mas fresh sa akin yung teacher memories ko dun, pero masaya rin naman yung elem at highschool days ko. Anywayy, nung nagturo ako sa FCPC, di ko talaga damang nagtatrabaho ako, as in! Feeling ko I am just living the life that I am meant to live. Ganern. Lupet diba? Hindi ako napagod nun kahit maraming ginagawa haha. O kung napagod man, walang-wala yun sa saya na nararamdaman ko hihihi. Nakaka-miss ang FCPC. Nakaka-miss ang school community. Oh, ang aking teacher heart! Haha ❀
  3. Pinoy Psalms and Proverbs team. Syempre, di papatalo ang Pinoy team. Chos di naman ito kompetisyon hahaha. Anyway, pag naiisip ko yung team namin, natutuwa ako. At home kami sa isat-isa, komportable mula sa translators, project secretaries, hanggang consultant! Iba rin yung naging bonding namin kasi siguro andami naming napuntahan together. Iba-iba yung mga experiences namin sa ibat-ibang lugar. Nakaka-miss. Marami kaming kwentuhan, asaran, at kung ano-ano lang habang nagtatrabaho hahaha. Literal na tumawa ako dito at umiyak, hagulgol pa nga, sobrang dami kasing ganap. Haaaayyyy. Medyo malungkot lang ang ending, pero kino-consider ko pa ring home ang team na ito. Salamat sa meaningful memories!

Marami pang lugar at mga tao na hindi ko na ma-eelaborate–mga safe persons ko syempre, Herme friends, Peace Learning, library, kwarto namin owyeah, garden, bubong, CRL garden, bus, at dito ngayon sa Saguday. Hayy, miss ko na ang bahay. Pero sakto pa naman, saktong miss pa lang hehehe. Alam ko naman na kahit saan pa ako mapunta, pwede kong ma-feel ang home basta nakakausap ko ang mga loved ones at mga safe persons ko, tapos ramdam kong pwede pa rin akong mangarap, magdrama, at mag kung ano-ano lang, magpaka-ako lang hihihi. πŸ™‚