0

Usapang pangarap

Di ako makatulog, gising pa ang diwa ko. Binalikan ko tuloy yung 100 dreams na sinulat ko dati. Hindi pa kumpleto yun, 98 pa lang. May ilang natupad na, merong muntik-muntikan, meron ding medyo malayo pa sa katotohanan.

Nung bata ako, pangarap kong maging teacher. Natupad ang pangarap kong yun–nagturo ako ng Math, pero dalawang taon lang. Oo alam ko, nakakabitin talaga. Hindi naman sa ayaw ko nang magturo, may iba lang akong gustong gawin at aralin ngayon.

Ang totoo, bukod sa Math, pangarap ko ring magturo ng Bible. Pero di ko masyadong pinagkakalat. Sasabihin ko na lang pag final answer na. 😉