0

Nature time

Nagbike ako. Ang sarap. Ang saya. Ang liberating ng feeling. I feel so free! Haha ang sarap nung pagdaan ng hangin sa leeg ko, sa buhok, sa braso, sa katawan. Nakakarefresh!

Bago ako nagbike, nilakad ko si Happy. Tumakbo rin kami at naupo. Ang sarap tingnan ng creation ni Lord. Yung mga damo, puno, halaman, yung langit, lupa, pati mga kapitbahay na dumadaan. Ang saya lang, I feel so human. Nakita ko na naman kasi yung greatness ni God. Thank You Lord sa nature walk, and ride! Hehehe.

May pahabol. Nilakad ko si Smiley after kong magbike, para di sya magtampo. Ang bilis nyang tumakbo, syempre sinabayan ko. Hahaha ang saya-saya nya. Ako na rin, natuwa. Nakakatuwa, mga simpleng saya ng buhay. Hayyy salamat LORD!

0

Closure

Aaand that ends it all. Finally, tapos na. Pwede nang isara yung libro. Pwede nang magsimula ng panibagong kwento. Yeaah, syempre di mawawala yung mga hugot from the past, pero hindi na yun yung main issue. Tapos na yun. Nakaraan na. Pwede nang mag-move on nang mas kumpleto. Hindi naman na ako nanghihingi ng sorry, pero thank you pa rin. 🙂 Pakiramdam ko, na-validate yung feelings ko noon. Hindi naman pala ako nag-iinarte lang. Pero seryoso, kinakabahan ako. Natatakot ako sa next chapter. Ang weird, pero oo. Iniisip ko, kaya ko bang maging vulnerable ulit?

Hmm. Yes, my friend. Kakayanin. Unti-unti. ❤

61513068_1354341638052022_8695758162357125120_n

0

Jassy and her blog

Haha narealize ko, pag sobrang halaga sa akin ng topic, bina-blog ko. Usapang pangarap, crush, memories, friendship, family love, pa-deep thoughts. Amazing na pag may napagkukwentuhan, bigla kong sasabihin, “Uy wait, may blog ako tungkol dyan.” Tapos pag binasa ko, grabe swak pa rin sa line of thinking ko. Haha. Amazing. Buti nahilig ako sa pagsusulat. At buti din, nagstart ako ng blog five years ago. Hehe. Truly, one of my online treasures ♥