0

Pa-charge po

Teka, pasulat nga muna bago ako matulog. Mabigat ang araw ko. Nakipagkwentuhan lang naman ako, pero nakakapanghina. E kasi mabigat din yung kwento. Hayyyyyyyy. Nanghina ako to the point na bigla na lang akong umupo sa gilid ng kalsada habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Inisip kong i-cancel na lang yung pakikipagkita sa isa ko pang kaibigan, pero kako baka marecharge naman ako sa pagkikita namin, so sige push. Kumain kami, nagkwentuhan, naglakad-lakad, at nagpray. In fairness, napahinga ako. Tapos hinatid niya ako sa abangan ng bus. Natulog ako sa byahe, paubos na powers ko e.

Buti na lang pag-uwi, kinwento ni Mama yung fulfilling niyang araw kahapon. Yeyyyy salamat Lord, nakakatuwang makinig! After kwento, cellphone mode, tapos laptop. Mag-Yoga with Adriene sana ako, goal ko magyoga buong September, kaso ang theme niya ngayon ay “Celebrate.” Sakto naman sana kasi nga birthday ko this month, dapat lang na mag-celebrate ako. Kaso di ko feel mag-celebrate today. Kaya sinearch ko si Yoga with Travis. Ang theme niya this month ay “Empowered.” Ayyyy bet! Kailangan ko ngayon magrecharge ng powers. Gusto kong ma-empower. Ayuuun, pinush ko na. Sulit! Iba rin ang power yoga. Sakto sa need ko ngayon, sarap sa pakiramdam. πŸ™‚

**written Sept 2, 2022 after kong magyoga para magtagtag ng stress sa katawan at mag-recharge ng sarili

0

What do bus drivers think about when they drive?

Palagay ko naka-focus lang sila sa kalsada. Mahirap mag-isip ng kung ano-ano kapag nagda-drive. Malingat lang saglit, posible nang maaksidente ang maraming tao–yung driver, konduktor, mga pasahero, pati ibang motorista. So siguro, ang pinaka-iniisip nila ay kung paano sila mabilis at safe na makakabyahe. Naiisip din nila syempre kung paano mapupuno ang bus lalo kapag alanganing oras. Kapag rush hour naman, sila ang taga-decide kung pwede pang magsakay. Kahit magpumilit ang pasahero, nasa driver ang desisyon kung bubuksan ba ang pinto. Ooooh malaki pala ang power ng bus driver, pero syempre malaki din ang responsibility. Buhay natin nakasalalay, e!

Question 25 of #100jassyquestions