1

Drafts

Nagbasa ako ng drafts ko, andami na pala! I’ve been holding back some thoughts and emotions, ewan ko kung bakit. Gusto kong i-share pero ayoko. Siguro natatakot akong mag-overshare kaya nagkaganun. Or natakot akong ma-expose ako. O basta, ayoko lang. Baka naging mas maingat ako. Nalito kasi ako ano ba ang dapat kinukwento at ano ang hindi. Baka nakakasakit na pala ako o baka ako na pala yung nasasaktan kakakwento. Wehehe. Pero sabi nga ng bestfriend ko, okay lang magkwento, basta sa safe person. Owyeah. Thank you sa mga safe person sa buhay ko. Maraming salamat po, friends!

0

Matapang Street

Kahapon, naglakad ako sa Matapang St. Eto na naman tayo, may effect na naman sa akin ang street names. Napaisip ako, matapang ba si Jas? Bakit parang nagtatago na naman siya, what happened? Bumabalik ang mga maskara, parang gusto na naman niyang isuot. Toinks, wag, Jas. Harapin natin ang future with courage. So ayun, bilang first baby step, sisikapin kong magpost dito without a password hanggang magbirthday ako. Kaya ba? Kakayanin! Hehehe. Go Jas!

Love from your ever supportive friend who never gives up on you, Jassy. ♥