0

I need rest

I am tired. Physically and emotionally. My body aches, maybe because of my wrong position in bed. I feel sleepy, maybe because of our overnight swimming last Sunday followed by a Monday full of events and stories packed with all the emotions we can feel.

Okay, let me unpack that Monday’s events. My bestfriend and I went to the campus because she is now a dormer, and I am happy for her. Yey! We arranged things in her room and excitedly thought of her coming dorm days. Next, we went to her college and met with a common friend. After our conversations and our hellos and goodbyes, we decided we need to eat. We rode a jeepney to Philcoa, got a little confused with the new route, walked some steps, and finally ate chickenjoy while talking about some hanash in life haha. After feeling a little bit recharged, we visited our highschool Math teacher and talked with her family while waiting for our turn to enter her room. We had a really little time to talk with her, but in my heart, I cherish those few minutes. We prayed for her and for her family before leaving the hospital. We then hurriedly went to a theater to watch Pagsambang Bayan The Musical, felt some terror and got our thoughts evoked by the play. Before going home, we had a light dinner at Chowking with my family and shared some stories and laughter haha. We then tried to sum up our thoughts and emotions for the day during our bus ride on our way home. It was indeed a full day, we agreed. Thank God for the strength we had for that Monday! We went home with our hearts full. ❤

And then came the news about my highschool Math teacher. I was already asleep, in fact, I was already dreaming, when my bestfriend called and told me to go online. And so I did.  How generous of my teacher’s daughter to share with us her mother’s last moments through a video call. She was asking us to give our last words to our teacher, who was also our coach in the Math contests we competed way back in highschool. I was speechless. The news wasn’t sinking in. My bestfriend was crying. I felt nothing. I don’t know what to feel. I don’t know what to say. I was literally speechless. The video call ended. I managed to compose my words of thanks to my teacher and sent it to her daughter. I was asked to read it to her over the phone. I cried as I did.

My mind was wandering after the phone call. I was not sleepy anymore, and thought of doing some stuff for my work. Next thing I know, it was already Tuesday morning.

Many things have happened and it’s difficult to process them all. I was not that productive today, I spent most of my time sleeping. My sister said I have overslept the whole day. But hey, I slept for many hours today because I need to replace my lack of sleeping hours last Sunday. And so I needed to sleep haha. But maybe she was right. Maybe that’s one of the reason I feel exhausted.  Or maybe not. Maybe I just can’t process everything. I need space. To think. To feel. To breathe. Or maybe I just feel pressured because I still have no outputs for my work for two days now. Also, my laundry basket is haunting me, even my bags in my room are bugging me. I feel guilty because I have not been doing anything about my work and my chores this week. Hayyy.

I need rest. Not just some hours of sleep, but real rest.  As I typed this entry’s title, Matt 11:28 instantly came to mind. “Come to me all you who are tired and heavy laden, and I will give you rest.” And then the lyrics of a song we sang in our youth choir started to play, “Come unto me, I will give you rest. Take my yoke upon you, hear me and be blessed. I am meek and lowly, come and trust my might for my yoke is easy and my burden is light.”

O Jesus, I need rest. Restore my strength that I may do all that is required of me, and other things that I want to do for you. Renew my strength that I may live life to the fullest. Dami talagang ganaps, tulungan nyo po akong makabalik on track. Thank you Jesus. Aasahan ko po ang pahinga at panibagong lakas na ibibigay niyo. Amen.

Advertisements
0

Last 25 days of 2017

How can I make the last 25 days of 2017 more meaningful?

Oooh earlier this year, I wrote about what would make my 2017 happy and meaningful: Closer relationship with God, family time, Bok in church, organized room, Dream Library, punctual Jassy, God-centered 25th birthday celebration, opportunities to share God’s Word, intentional Jassy.

IMG_20171206_174659_969.jpg

So, where am I now? Well, I would want to talk about each item on my list but my eyes are stuck on the last item: intentional Jassy. Intentional. Done on purpose. Deliberate. Oooh. And what is my purpose? What do I intend to do? I believe it is to share God’s Word and God’s love to the people around me. How can I do that? What must I do for the rest of the days of 2017 to share God’s love intentionally?

  1. Soak in God’s Word daily.
  2. Post a verse and my reflections on Instagram. Be intentional!
  3. Less convos with friends about crush, more about Christ.
  4. Grab opportunities to talk with a stranger about God’s love and the meaning of Christmas.
  5. Make and send cards showing God’s love.

Thank You Lord. Be with me every day. Amen. ❤

0

Nakakaloka.

Ang daming namamatay.

Naging normal na lang na balita araw-araw, gabi-gabi.

Matagal na akong hindi nakanood ng balita

Kaya nitong nakanood ulit ako, grabe,

Nakakalungkot. Nakakaloka.

Nanlaban daw.

Sa totoo lang, meron pa bang manlalaban ngayon

E alam nilang papatayin lang din sila kung manlalaban sila?

Ah, baka naman kaya sila nanlalaban kasi isip nila

At least namatay silang lumalaban. Ganun ba?

Hmm, mahirap isipin. Nakakaloka.

Hindi ko maintindihan bakit may mga Kristiyanong sang-ayon sa mga nangyayari ngayon.

Siguro mas maiintindihan ko pa yung mga hindi umiimik,

Kasi sa totoo lang, mahirap talagang umimik

Lalo na kung kontra sa opinyon ng marami yung sasabihin mo,

Lalo na kung maraming di matutuwa sa mga salita mo.

Pero yung mga umiimik ng pagsuporta sa gyerang to,

Grabe lang. Grabe sila. Nakakaloka.

Pro-life daw.

Pero biglang kabig na, “E deserve naman kasi nilang mamatay.

Pinili nilang gumawa ng masama. Dapat lang sa kanila yan.”

Whuuut? Saang part dun yung pagiging pro-life nyo? Huhubells.

Kung magsalita tayo para bang sila, dapat lang mamatay

Para mas maging safe kuno ang buhay natin.

Paano naman yung buhay nila at ng pamilya nila?

Aaaah, pro-life nga. Sariling buhay lang iniisip.

Mabuti pa raw na mamatay sila para mabuhay tayo nang mas payapa.

Naging payapa nga ba? Payapa ba kung araw-araw may pinapatay?

Gabi-gabi na lang, may pamilyang naglalamay. 😦

Nakakalungkot. Huhubells talaga. Nakakaloka.

15002408_10207776084225844_1445142892585617308_o

May future pa ba ang bansa?

I mean, magandang future?

Kung ibabase ko lang sa mga nakikita ko ngayon,

Mahirap nang umasa pang gaganda ang sitwasyon.

Kasi nga diba, nakakaloka talaga.

Nage-gets nyo ba ako? O feeling nyo masyado lang akong nega?

Pero haaaaaaaaayyyyy

Live by faith and not by sight.

Huhubells.

Kahit na nakakaloka ang mga ganap sa bansa ngayon

Kahit na di ko maintindihan

Kahit na nakaka-frustrate ang pagiging patay malisya ng bayan sa mga nangyayari

Kahit na parang walang pag-asa

Kahit na maraming “kahit na”

Pipiliin kong magtiwala pa rin sa iyo, O Diyos.

Magtitiwala pa rin po akong magiging maliwanag ulit

Ang kinabukasan ng Pilipinas.

Matatapos ang dilim, at mapapatunayang

Kailanman hindi talaga magagapi ng dilim ang liwanag.

Magliliwanag sa buong bansa.

Makikilala ka ng lahat ng Pilipino.

Yes, Lord. Magliliwanag sa buong bansa at makikilala ka ng lahat ng Pilipino.

Salamat po.

Sa tuwing pinapaalala nyo sa akin na merong pag-asa,

Napapangiti ako. Nakakagaan ng puso.

Haay. Sana nga po. Sana talaga.

(Pero wait. Biglang kumirot ang puso ko.

Aww, seryoso. Literal.

Ang sakit. Anong ibig sabihin nito?

Oooh nakakaloka pero

Itutuloy ko pa ang nasimulan kong dasal.)

Panginoon, malamang po kumikirot din ang puso nyo

Sa mga nangyayari sa bansang Pillipinas.

Maraming namamatay, di na umiiral ang hustisya.

Magulo at madilim ang paligid.

Tuso at sinungaling ang mga lider huhu

At kaming mga Kristiyano, iba-iba pa ang pananaw tungkol dito.

Sa lahat ng ito, Panginoon,

Alam po naming sa inyo lang kami makakaasa.

Wala nang iba pa.

Baguhin nyo po kami, at gamitin para sa tunay na pagbabago

Sa mahal naming bansang Pilipinas.

Di na talaga kami pwedeng tahimik na lang.

Pangunahan nyo po kami, Panginoon.

Magliwanag po kayo sa madidilim naming mga puso.

Patawarin nyo po kami sa mga kasalanan namin.

Magliwanag po kayo sa mga buhay namin

at sana ang liwanag nyo na lang talaga

Ang makita naming lahat.

Ipakita nyo po sa amin ang dapat naming gawin.

Sa pangalan ni Jesus. Amen.

*sinulat nung Jan 7, 2017, kasagsagan ng mga ejk sa bansa. Nakakalungkot kasi hanggang ngayon, ganun pa rin. 😦
*
kantang swak na swak: Perfect love by Hillsong United

0

24 things I learned in life

I was reading my journal and found this list of life lessons I’ve written on my 24th birthday. Gusto ko lang ilagay dito, for the record 🙂

  1. Hindi material things ang magpapasaya sa atin.
  2. Mahalagang matutunan natin ang maging mapagpasalamat.
  3. Lahat ng nangyayari sa atin ay dahil sa grace ng Panginoon.
  4. Kung ano ang role natin, dapat nating gampanan nang maayos.
  5. Yung mga taong gusto kong kasama sa celebration, sila yung mga tinuturing kong friends ko talaga.
  6. Malaki ang magagawa ng prayer lalo na sa mga bagay na di na talaga natin alam solusyonan o gawan ng paraan.
  7. Marami tayong pangarap pero ang plano ng Diyos ang pinakamainam na mangyari sa lahat. 🙂
  8. Di natin kailangang mag-involve sa lahat ng gusto nating gawin, kasi minsan di kakayanin ng katawan natin, kaya pillin nating mabuti.
  9. Masarap magising nang maaga. Sana lagi kong maranasan.
  10. Dapat kung gaano karaming time ang binibigay ko sa mga kaibigan ko, mas marami pa dun ang time ko sa pamilya.
  11. Mas ginaganahang gumawa ang isang tao pag na-aappreciate siya.
  12. Let us keep our options open. Di natin masasabi ano ang mangyayari sa atin in the future.
  13. Meron tayong gustung-gusto talagang gawin at malamang sa malamang, dun din tayo gustong dalhin at gamitin ng Diyos.
  14. Nakakatulong ang mga kanta sa buhay natin – review, trabaho, at muni-muni.
  15. Dapat shine-share ang talino at talent para may next in line.
  16. I-maximize natin ang potential natin para sa Panginoon.
  17. Para hindi isipin nina Ma at Pa na nabubuhay lang ako para sa sarili, dapat maghugas ako ng pinggan o kaya magwalis sa bahay.
  18. Okay rin naman palang magpa-laundry pag wala talagang time.
  19. Nakakasaya ang art at colored pens 🙂
  20. Mahalagang reviewhin ang bawat araw para makita ko yung pattern ng pamumuhay ko.
  21. Matutong magtipid at magbigay.
  22. Kung gusto kong kumain kami nang sabay-sabay, dapat pagkatawag pa lang sa akin, punta na agad sa mesa.
  23. Masayang mag-alaga ng mga hayop sa bahay.
  24. Hindi ko matuturo ang hindi ko alam, hindi ko pa mabibigay ang wala sa akin, at hindi ko makukwento ang hindi ko naranasan.

 

0

Books

Noon, lagi akong bumibili ng libro pag payday. Madalas, children’s book, na isa-isa kong kinukwento sa coteachers ko pag free time o depende sa sitwasyon.

Lately, di na ako bumibili ng children’s books, siguro kasi wala naman na akong kukwentuhan. Ang mga librong binavasa ko ngayon e tungkol sa topics na interesado ako: families, creativity, habits, prayer, backslide, suffering, dreams, God’s will, and the like.

Marami akong natutunan sa pagbabasa ko, kaya hopefully starting next month, makapagsulat ako ng book reviews weekly. Push na ito! 🙂

0

Jamming Time

Ngayon na lang ulit ako nakapaggitara with friends. Magandang pakinggan yung kantahan namin kanina, swak yung mga boses namin sa tunog ng gitara, kasabay pa ng ulan. Nakakatawa nga lang kasi tuwing bibirit ako, biglang lumalakas ang ulan. Haha.

Halos mga kanta nung highschool ang tinugtog namin, lahat tuloy kami napapangiti. Dami kasing alaalang kasama ng mga kanta. Yung iba may mga kwento, yung iba wala lang. Basta, mga kanta yun nung panahon namin.

Sa lahat ng kinanta namin kanina, pinakanagustuhan ko yung When you say nothing at all. Kinakanta kasi namin yun noon tuwing MTAP review sa library. Natutunan ko rin ang second voice nun. Kanina, nirequest ko na kantahin ng kaklase ko yung melody para ma-practice ko yung second voice (kung kaya ko pa!)

Tinugtog ko yung pangalawang stanza, kinanta niya yung melody, sinabayan ko ng second voice. 

Kumanta na nga kami, na akala mo e sigurado sa tono. At napangiti na lang ako, labas dimple. Ang sarap pakinggan 🙂 Tumahimik yung mga kwentuhan, pati ulan at hangin nakinig. Napanganga rin yung iba pa naming classmates (o baka akala ko lang pala haha) habang nakikinig.

Ang sarap kumanta. Pakiramdam ko nagningning mga mata ko kanina habang kumakanta at inaalala ang highschool memories naming lahat. 🙂 Naalala kong nagduduet din kami ni classmate dati pag naghihintay kami ng teacher. Napailing ako sa tuwa kasi kaya pa rin pala naming kumanta nang sabay, nasa tono pa rin. Napangiti na lang talaga ako. Ang galing! Yey! Sa uulitin!

0

Sofa Thoughts

Humiga ako sa sofa kanina at pagpikit ko, maraming bumalik na alaala.

Naalala ko nung humiga ako sa faculty lounge namin sa school kasi masama ang pakiramdam ko. May nakakita sa aking ibang teacher at sinumbong ako sa coordinator ko. Nung nasa clinic na ako, pinagsabihan ako ng coordinator ko na wag na akong hihiga doon para walang masabi ang iba. Dumiretso na lang daw ako sa clinic pag di okay ang pakiramdam ko. Simula nun, napadalas na ang paghiga ko sa clinic hehe.

Naalala ko tuloy yung araw na pumasok ako kahit hinang-hina ako. Na-guilty ako kasi pangatlong araw na akong absent, at huli na kami sa lessons, e kailangan nang mag-quiz. Kaya pumasok ako. Pero akala ko lang pala kaya ko na. Halos kakaupo ko lang sa classroom, naramdaman ko agad ang hilo. Ayun, balik clinic. Di ko na ikukwento anong nangyari pababa galing sa Room 501. Basta, okay naman na ako hehe.

Naalala ko tuloy yung mga araw na nasa school ako at nagtuturo. Nakaka-miss. Noon, parang tuloy-tuloy lang ang mga araw, hindi ko nararamdamang nagtatrabaho ako. Basta para lang akong nabubuhay. Ibig kong sabihin, nung nagtuturo ako, dama kong masaya na ako sa ganung buhay. I felt like I’m living the life I want. At palagay ko naman, yun din ang buhay na gusto ng Diyos para sa akin nung mga panahong yun. Seryoso. Ewan ko lang ngayon. Hehe. Darating din tayo diyan.

Naalala ko tuloy yung sabi ni Ate Love sa akin dati, “May iba-iba tayong calling sa ibat-ibang panahon.” Something ganun. At in fairness, sang-ayon ako sa kanya. Saan kaya ako tatawagin sa susunod? 🙂