0

Sofa Thoughts

Humiga ako sa sofa kanina at pagpikit ko, maraming bumalik na alaala.

Naalala ko nung humiga ako sa faculty lounge namin sa school kasi masama ang pakiramdam ko. May nakakita sa aking ibang teacher at sinumbong ako sa coordinator ko. Nung nasa clinic na ako, pinagsabihan ako ng coordinator ko na wag na akong hihiga doon para walang masabi ang iba. Dumiretso na lang daw ako sa clinic pag di okay ang pakiramdam ko. Simula nun, napadalas na ang paghiga ko sa clinic hehe.

Naalala ko tuloy yung araw na pumasok ako kahit hinang-hina ako. Na-guilty ako kasi pangatlong araw na akong absent, at huli na kami sa lessons, e kailangan nang mag-quiz. Kaya pumasok ako. Pero akala ko lang pala kaya ko na. Halos kakaupo ko lang sa classroom, naramdaman ko agad ang hilo. Ayun, balik clinic. Di ko na ikukwento anong nangyari pababa galing sa Room 501. Basta, okay naman na ako hehe.

Naalala ko tuloy yung mga araw na nasa school ako at nagtuturo. Nakaka-miss. Noon, parang tuloy-tuloy lang ang mga araw, hindi ko nararamdamang nagtatrabaho ako. Basta para lang akong nabubuhay. Ibig kong sabihin, nung nagtuturo ako, dama kong masaya na ako sa ganung buhay. I felt like I’m living the life I want. At palagay ko naman, yun din ang buhay na gusto ng Diyos para sa akin nung mga panahong yun. Seryoso. Ewan ko lang ngayon. Hehe. Darating din tayo diyan.

Naalala ko tuloy yung sabi ni Ate Love sa akin dati, “May iba-iba tayong calling sa ibat-ibang panahon.” Something ganun. At in fairness, sang-ayon ako sa kanya. Saan kaya ako tatawagin sa susunod? 🙂

0

Five minute-break

Yes, hello. 🙂 I think it’s time to stop for a while and write some stuff in my head. Well, to be honest, many thoughts are popping in my head right now and I can’t choose which to write. Hmmmmmm…

Just this week, uhm. Wait, let me rephrase hehe.

Uhm, little by little, I’m starting to… learn that…

Life is not about our profession. Not about our money. Not about what we do for a living. Not about our plans. Not about our dreams. It’s all about relationships. Our relationship with God, and our relationship with others. It is important that in all that we do, we show our love to God and to others. ❤

With this realization, I feel blessed. I feel relieved. I feel free hehe because I need not worry too much on the specifics of life. As long as I pursue my relationship with God and let the love of God flow to the people around me, I know I can live the life God wants me to have. 🙂 Thank You Lord. Amen!

0

Ano nga ulit yung isusulat ko?

Ilang gabi ko nang gustong magsulat pero pag magsusulat na ako, biglang umaatras yung mga salita.
Gaya ngayon. Nawala na naman sila. Siguro dahil hindi pa ako sigurado sa gusto kong sabihin kaya bigla akong nauutal.

Sige, ganito kasi. Gusto ko lang talaga isulat yung kwentuhan namin ni Cha nung Tuesday.
Pero bigla ko naiisip yung mga ganap sa Pilipinas ngayon. Mga adik, basta-basta pinapatay. Si Marcos, ipapalibing sa LibinganNgMgaBayani. Ang labo.

Gusto ko talaga sanang magsulat ng masasayang moments this week pero pakiramdam ko parang wala kong karapatang magsaya kasi nga magulo ang mundo ngayon. Haist. E paano yan?