Sofa Thoughts

Humiga ako sa sofa kanina at pagpikit ko, maraming bumalik na alaala.

Naalala ko nung humiga ako sa faculty lounge namin sa school kasi masama ang pakiramdam ko. May nakakita sa aking ibang teacher at sinumbong ako sa coordinator ko. Nung nasa clinic na ako, pinagsabihan ako ng coordinator ko na wag na akong hihiga doon para walang masabi ang iba. Dumiretso na lang daw ako sa clinic pag di okay ang pakiramdam ko. Simula nun, napadalas na ang paghiga ko sa clinic hehe.

Naalala ko tuloy yung araw na pumasok ako kahit hinang-hina ako. Na-guilty ako kasi pangatlong araw na akong absent, at huli na kami sa lessons, e kailangan nang mag-quiz. Kaya pumasok ako. Pero akala ko lang pala kaya ko na. Halos kakaupo ko lang sa classroom, naramdaman ko agad ang hilo. Ayun, balik clinic. Di ko na ikukwento anong nangyari pababa galing sa Room 501. Basta, okay naman na ako hehe.

Naalala ko tuloy yung mga araw na nasa school ako at nagtuturo. Nakaka-miss. Noon, parang tuloy-tuloy lang ang mga araw, hindi ko nararamdamang nagtatrabaho ako. Basta para lang akong nabubuhay. Ibig kong sabihin, nung nagtuturo ako, dama kong masaya na ako sa ganung buhay. I felt like I’m living the life I want. At palagay ko naman, yun din ang buhay na gusto ng Diyos para sa akin nung mga panahong yun. Seryoso. Ewan ko lang ngayon. Hehe. Darating din tayo diyan.

Naalala ko tuloy yung sabi ni Ate Love sa akin dati, “May iba-iba tayong calling sa ibat-ibang panahon.” Something ganun. At in fairness, sang-ayon ako sa kanya. Saan kaya ako tatawagin sa susunod? ๐Ÿ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s