0

Catch up

Pag umabsent sa class or di nagets yung lesson, kailangang magreview o makikopya ng notes para maka-catch up.

Pag tambak ang deadlines at na-overwhelm sa work, kailangang ayusin ang schedule and priorities para maka-catch up.

Pag matagal nang di na-meet ang friends at ang dami nang happy and sad ganaps sa kanya-kanyang buhay, kailangang mag-set ng date at magkita somewhere para makapag-catch up.

Pwede ring mahabang videocall, o pag busy talaga, chat-chat na muna na tuloy-tuloy.

Maeffort talaga magcatch up. So, thank you my people for making time to catch up with me in your own ways. Love you all.

0

Babe Time

Halos 15 months ago, wala pa akong muwang sa konsepto ng BabeTime haha. E hindi ko naman yan kailangan dati. Di pa yan nag-eexist sa buhay ni Jassy noon.

Ngayon, lagi ko na yang inaabangan bago matulog. Kamustahan ng araw, random kwentos, updates sa trabaho, pamilya, workout, at pagpaplano kelan magkikita ulit. Yey!

Minsan, lampas isang oras ang videocall, minsan less than 10 minutes lang. Minsan, wala muna to give way sa kanya-kanyang Me Time and pahinga. At syempre may in-person Babe Time din!

Masaya ako kasi ano mang ganap namin sa buhay, we always feel loved tuwing BabeTime hihi. 🥰

0

A3

Iba talaga ang freedom na nabibigay ng malaki at malinis na papel. Pagkalapag ko pa lang ng A3 sa mesa, sabik nang kumawala sa isip ko ang mga kulay at salita. Nag-uunahan sila, gustong magpakita at magkabuhay. Halos lahat naman napagbigyan.

Unang nasulat ang pangalan ko. Jassy. Sunod ang taon ngayon. 2025. Napaisip ako. Paano masusulit ni Jassy ang 2025?

Hmm gusto kong pagbigyan ang creative dreams ko–sariling recycled paper, library and learning center, greeting cards o paper dolls o kung ano pang maisip.

Dami nga pala! Salamat A3, nagpakita ulit ang mga pangarap kong matagal nang naghihintay matupad.

0

ATS life

I think I have not posted much about ATS, or my appreciation for my school. Ah, just want to say, I thank the Lord for bringing me to ATS. I learned a lot. I got inspired to study the Word of God more.

Naalala ko tuly yung BS retreat. Grabe yun. Yung time na kumanta ako ng Great is thy faithfulness, tapos nagpray ako. Umiiyak na ako nun. Kasi naman binalikan ko yung 5 years ko ng pag-aaral, yung mga kalokohan ko and failure, and yung pagsalba sa akin ni Lord each time. Grabe. Grabe. Maiispeechless na lang talaga ako. I thank God meron akong moments before graduating para makapagreflect sa aking ATS experience. I wish nakapagpost man lang ako ng gradpic ko to celebrate my graduation. Haha. Nag-story lang ako e. Kelan ko kaya yun mapopost? Malamang next year na? Or before the year ends siguro.

Ayun. Gusto ko lang magpost ngayon dito para may babalikan ako next time. Dapat sa susunod, ilista ko na lahat ng pinagpapasalamat ko sa ATS life ko (which I think nasulat ko na yata. Hanapin ko na lang haha). Yeah yeah.

0

Learn to tapon basura

I’m not very good in letting go, kahit basura na ang pinag-uusapan. Ewan ko ba.
Naiisip ko kasi yung mga landfill na puro basura. Di ko kinakaya.
Yung mga papel naman, feeling ko dapat ipunin at ibenta sa junkshop. Kaso di ko rin nagagawa.
Sabi ko, someday gagawa ako ng papel from recycled paper. Pero naipon lang nang naipon ang lahat.

Hayyyy. How to deal with this?
Sabi ng mga yogi, “Let go of what is no longer serving you.”
Hmm, ano ba ang serbisyong dulot sa akin ng mga inipon kong basura?
Sa totoo lang, parang wala naman.
Natatambak lang sila.
Well, at least alam kong hindi ako nakaka-contribute sa mga basura sa landfill
Pero huhu, natatambak naman sa kwarto ko hayyyyyy

I need to let go of this clutter na!
Pakiramdam ko, ito ang challenge sa akin ngayong Lent season.
Let go of the things na hindi naman mahalaga.
Keep the things that matter.

Hirap. Baka kasi…
Baka biglang kailanganin.
Well, I doubt.
Baka biglang makaisip gumawa ng papel.
Weh, talaga ba? Sa busy mong yan?
Baka, uhm, e kasiii.

E kasi ang gulo-gulo ng waste disposal sa amin huhu. Nakaka-frustrate.
Hayyyyy. What to do?

Hirap talaga akong magtapon. Ayoko kasi yung feeling na nakakadagdag ako sa overwhelming volume ng basura sa mundo. Hayyyyy. Kaso mukhang ganun talaga e. Reduce, reuse, recycle na lang talaga. Pero yung mga basura, tapon na muna natin.

Gege, para mas makahinga tayo nang maluwag. Waah kaya this March? Push natin ituuu.

0

2022 ni Jassy + hiling sa 2023

Kinagat ng aso, walang full-time work, natapilok, na-friendzone, nasira shoes at cellphone, paubos na pera, naawa sa sarili, di makatapos, nawala bilib sa sarili, na-stress at na-trigger sa problema ng friends, di makalabas, feeling trapped again.

Pero salamat Lord sa mga taong concerned, sa biglang mga raket and opportunities to serve, sa pag-process ng emosyon at pag-letgo ng feelings, sa pagbabalik ng aking joy of teaching, sa safe space for kwentuhans and solo-pahinga, sa love and grace, courage & happiness!

This 2023, simple lang gusto ko: graduation, trabaho, jowang pang-forever, kwartong malinis. Pagbibigyan mo ba ako, Lord? Sana po, yes. Amen.

0

Stronger

I was singing “You made me stronger by breaking my heart” when I realized that, Heyyy, I won’t give him the credit for my stronger self now! It is I who did the work of building myself up after losing my self worth because of his confusing and contradicting words and actions. It is I who did whatever project I could think of to express and process my emotions, to be empowered, and to gradually come back to my bestest self! And it is God who sustained me through my episodes and provided me with safe spaces literally and figuratively during my difficult times. It is God who did not give up on me and did not leave me in the mess that I got myself into. It is God who pulled me out of that mess and made me stronger by making my heart whole again.

I told myself I should stop singing that song to my complicated crush who made me question my beauty, intelligence, and personality. He did not make me stronger. He just broke my heart, period. It is unfair for Jassy of 2020 to change the narrative. Well yes, he taught me how to fall in love but not how to let go of a lie. He did not teach me that. I learned it because of what he did. I became stronger when he broke my heart because it made me search my heart for what I value in life and in relationships. I became stronger because I did not let myself be treated like trash anymore. I became stronger because I told my future self that I love her and I would do everything to make her feel loved again and be better after a year. And I did. Thank you Jassy of 2020 for not giving up. Thank you for making Jassy strong enough to live life in the years that followed. And of course, thank you Lord for making all these possible. Thank you for being with me along the way. Yeyy!

Here’s the chorus part of the song with the changed pronouns:

I became stronger when you broke my heart

You ended my life, God made a better one start

I have learned everything from falling in love to letting go of a lie

Coz I became stronger, baby, when you said goodbye 👋

Now that’s closer to the truth and more empowering! 💖

0

Pa-charge po

Teka, pasulat nga muna bago ako matulog. Mabigat ang araw ko. Nakipagkwentuhan lang naman ako, pero nakakapanghina. E kasi mabigat din yung kwento. Hayyyyyyyy. Nanghina ako to the point na bigla na lang akong umupo sa gilid ng kalsada habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Inisip kong i-cancel na lang yung pakikipagkita sa isa ko pang kaibigan, pero kako baka marecharge naman ako sa pagkikita namin, so sige push. Kumain kami, nagkwentuhan, naglakad-lakad, at nagpray. In fairness, napahinga ako. Tapos hinatid niya ako sa abangan ng bus. Natulog ako sa byahe, paubos na powers ko e.

Buti na lang pag-uwi, kinwento ni Mama yung fulfilling niyang araw kahapon. Yeyyyy salamat Lord, nakakatuwang makinig! After kwento, cellphone mode, tapos laptop. Mag-Yoga with Adriene sana ako, goal ko magyoga buong September, kaso ang theme niya ngayon ay “Celebrate.” Sakto naman sana kasi nga birthday ko this month, dapat lang na mag-celebrate ako. Kaso di ko feel mag-celebrate today. Kaya sinearch ko si Yoga with Travis. Ang theme niya this month ay “Empowered.” Ayyyy bet! Kailangan ko ngayon magrecharge ng powers. Gusto kong ma-empower. Ayuuun, pinush ko na. Sulit! Iba rin ang power yoga. Sakto sa need ko ngayon, sarap sa pakiramdam. 🙂

**written Sept 2, 2022 after kong magyoga para magtagtag ng stress sa katawan at mag-recharge ng sarili

0

What do bus drivers think about when they drive?

Palagay ko naka-focus lang sila sa kalsada. Mahirap mag-isip ng kung ano-ano kapag nagda-drive. Malingat lang saglit, posible nang maaksidente ang maraming tao–yung driver, konduktor, mga pasahero, pati ibang motorista. So siguro, ang pinaka-iniisip nila ay kung paano sila mabilis at safe na makakabyahe. Naiisip din nila syempre kung paano mapupuno ang bus lalo kapag alanganing oras. Kapag rush hour naman, sila ang taga-decide kung pwede pang magsakay. Kahit magpumilit ang pasahero, nasa driver ang desisyon kung bubuksan ba ang pinto. Ooooh malaki pala ang power ng bus driver, pero syempre malaki din ang responsibility. Buhay natin nakasalalay, e!

Question 25 of #100jassyquestions