0

Sapatos ng panghihinayang HAHAHA

IMG20170424165719

Hahaha. May nakita akong magandang sapatos sa Ukay. Maganda talaga. Pakiramdam ko para sa akin yun. Sinukat ko, saktong-sakto lang. Inilakad ko, aba pwede! Tama lang yung taas, di nakakatisod, di nakaka-ilang. P300 lang, pero di ko binili. Napaisip kasi ako, baka di ko naman pala kailangan, baka di ko rin magamit, sayang lang.

Pag-uwi naisip ko, dapat yata binili ko. Babalikan ko yun! Pag nandun pa, bibilhin ko na talaga. Kung wala na, hayy, sayang…

Oo, sayang, pero di dapat masaktan kung may iba nang nakabili, kasi kahit sobrang swak sa akin yung sapatos, ako naman kasi yung umayaw.

Status
0

Wag iwanang tumutulo ang tubig sa gripo. Baka mapuno ang drum at umapaw. Sayang ang tubig, mapapamahal ang bayarin.

Wag hayaang malakas ang apoy sa sinaing.  Pag kumulo, hinaan agad ang apoy. Baka kasi malimutan, sunog na yung ilalim, yung ibabaw di pa na-in-in. Sayang ang kanin – malata yung ibabaw, mapait yung ilalim.

Bantayan kasi, wag basta pabayaan.

Parang puso lang yan. Dapat binabantayan. Wag bubuksan tapos hahayaan lang, go-with-the-flow, “akong bahala” ang peg. Sabi babantayan daw, pero pag nalingat at nalibang, nalimutan na ang pangako sa sarili. Saka makakaalala kapag marami nang nasayang na oras at emosyon. Wag ganun!