0

Nag-iipon ako ngayon

Alam mo, nag-iipon ako ngayon. Ng mga kwento. Kinakabahan kasi ako na baka pag tinanong mo ulit ako kung anong kwento ko, wala na naman akong maisagot haha.

Sayo lang ako nawalan ng kwento. Sayo lang ako natahimik. Sayo lang ako di nakaimik. Iba ka. Haha natupi ako e. Paano mo nagawa yun? Bakit may ganun kang effect sa akin?

Pero di na mauulit yun, kasi nag-iipon na ako ng kwento ngayon. Para pag nagkita tayo, handa ako. Di na ako matatameme. Oh yeah.

Di muna ako magkukwento ng mga ganap ko. Pag may time ka na lang. Haha charot!

Advertisements
0

Guard your heart daw

Siguro itong guarding your heart ay parang paglalagay ng password sa isang post.
After mo kasing lagyan ng password, automatic sasabihin na ng blog na “Protected” yung post na yun, kailangan ng password para mabasa yun. At syempre di malalaman ng iba yung password, unless hingin nila sayo at ibigay mo, o kahit hindi nila hingin pero binigay mo nang kusa. Ooooh.
Hindi magbabago yung laman ng post, ganun pa rin yun– yung words, tono, at emosyon, ganun pa rin. Ang kaibahan lang, hindi na open para mabasa ng lahat. Authentic pa rin, hindi lang for all to see. Pwede.

Siguro nga related ang guarding your heart sa paglalagay ng password. Yung feelings at emosyon, ganun pa rin. Hindi kailangang magpanggap o magkunwaring walang nararamdaman, pero hindi na for all to see. May limit lang ang makakaalam– yung mga pagbibigyan mo ng password. Ikaw bahala kung kanino mo ibibigay yun. Pwedeng ibigay mo kay friend dahil hiningi niya at may tiwala ka naman sa kanya. Pwede ring gusto mo lang ipabasa kay another friend, kaya binigay mo rin sa kanya.
So, ayun, protected na ang blog post, gwardyado na ang puso, ang tanong na lang, kanino mo ibibigay ang password?