Mga tanong sa bus

Umaandar yung bus?
Hindi tayo mauuntog?

Naiwan si Nanay dun?
Nanaaaay, okay ka lang?

Bakit tayo sumakay ng bus?
Kasi madilim?

Hindi tayo nagjeep?
Hindi tayo mababangga?

Ano ito?
Bakit bus?


Education in Agoo

We are on our way to Baguio and just earlier, I saw a sign that points the way to Agoo. My college field trip in that place suddenly flashed back.

Our trip to Agoo was one of my best field trips because of the inspiration I got from it. I love the place not because of awesome landmarks or whatsoever but because of its number 1 priority, which is education. I really love them for that hehe

The previous and present mayors of the town of Agoo prioritize education. And they really mean it! Aside from the formal public schools, they also provide alternative forms of education. They have established many centers for Alternative Learning System, from playing musical instruments to gardening to making products from recycled materials. Their Maximum Recovery Facility is ย well-organized. Their market is clean and has a library! Yes, an airconditioned library with Wi-fi, so children can read while their parents are busy shopping in the market. They also value adult education and so teach lolos and lolas to read. Wow talaga.

The crime rate in Agoo is almost 0%, and I believe it is because the people there are well-educated. They know right from wrong, and know they should do the right thing. They are empowered and so they dream big. If only the whole country would prioritize education too! Instead of killing people, why not educate them? Especially the young people. They should be educated and empowered as early as now.

Oh, dear government officials, ano nga ba ang priority niyo? Can’t you see education is the key? Well, let me clear, education is not only about exams and grades, if that’s what you think. Education is what we can give to the next generation so they can be equipped for life’s greater challenges. Education lets us use what we already know and work on what we need to know more. Education prepares us mentally, physicaly, emotionally, socially, and spiritually. And above all else, education helps us discover the Big Dream that God has for us and the Big Need that we will be catering so we can live a full and meaningful life.

Haha if I will join Miss Universe, this would be my advocacy: Education for all! ๐Ÿ™‚ Thanks to Agoo for the inspiration! โค


Ulan, payong, at sapatos

Naisip kita kanina.
Umuulan kasi.
Suot ko yung sapatos kong ayokong ilusong sa ulan.
Sabi mo nun ilusong ko na kasi masisira’t masisisira rin naman kahit anong ingat ang gawin ko.
Ayoko talaga kaya pinili kong magpatila na lang ng ulan.

Umuulan nga noon.
Wala kang payong.
Saktong pagbaba ko ng jeep parang nakita ko ang sapatos mo.
Kinalabit mo ko. Ikaw nga.
Katabi na pala kita di ko pa namalayan.
Sabay tayong nagpatila ng ulan.
Ikaw, para di magkasakit.
Ako, para di masiraan ng sapatos.

Nasa jeep ako kanina nung lumakas ang ulan.
Naisip ko sapatos ko.
Maya-maya ikaw naman sumagi sa isip ko.
May dala ka kaya ngayong payong?

Linabas ko payong ko papunta sa terminal ng traysikel.
As usual, naghihintay ako ng mabbackridean.
Palinga-linga ako’t umaasang may makasabay.
Paglingon ko, akalain mong katabi na pala kita?!

Wala ka na namang payong.
Ano pa nga ba edi pinasukob kita.
Hinawakan mo payong ko kagaya lang nung dati, nung sabay tayong tumawid sa hi-way sa silong ng isang payong.
Hawak mo rin kamay ko noon, sabi mo para di ako mabasa at para makatawid tayo nang matiwasay.
Okays. Kunyari naniwala ako. At kunyari patay malisya lang ako. Kebs kuno haha..

Nagkamustahan tayo.
Napag-usapan ang late na pag-uwi, ang kawalan ng payong samantalang umuulan, at ang pag-iingat sa malapit nang masirang sapatos.
Nakakatawang tadhana.
Akalain mo yun.
Kung kailan kita biglang naisip saka naman kita biglang nakita.
Parehong sitwasyon. Nagkataon lang ba ito o sadyang nakatakda?

Mas mahaba pa sana ang kwentuhan pero dumating na ang pwede kong masabayan pauwi.

Hayaan mo na nga.
Wala lang naman ito.
Hanggang ganito lang tayo.
Pili lang ang panahon na pinagtatagpo tayong dalawa.
Kapag umuulan, wala kang payong at suot ko ang sapatos ko.
Bihira lang yun.
Unless gusto mong sadyain.
Pwede rin naman hahaha ๐Ÿ˜‰
Kung ganun lang ba naman kadali e.


Jeep o Trike?

Male-late na ako. Saan ako sasakay?

J: Dito ka na. Saglit lang naman byahe. Maghintay ka lang konti.

T: Sakin ka na, lalo kung nagmamadali ka. Kaya kong bilisan para sayo.

J: Mapapamahal ka lang dyan. Late ka rin naman na e di magtipid ka na lang.

T: Halika na dito. Mag-special ka na. Special ka naman sakin e.

J: Hay naku. Lalakad na, o, lalakad na. Halika na. Punuin lang natin to. Makakatipid ka pa.

T: Ikaw rin. Ang akin lang, ayokong ma-late ka. Ikaw.

J: Larga na, larga na. Ikaw na lang hinihintay. Mag-decide ka na.

T: Miss, baka maunahan ka pa ng iba. Ikaw rin.


Byaheng bus 001: Upuan

Sanay na ko sa tayuan sa bus. Kahit isang oras, kakayanin. Pero syempre mas gusto kong maupo.

Kanina, puro babae kaming nakatayo sa gitna. Kakasakay lang kasi namin. E mukang pagod sa trabaho yung mga lalaking nakaupo kaya siguro di nila mabigay ang upuan nila para samin. Okay, naintindihan naman namin.

Naka-dress ako at halos isang oras nang nakatayo. May bumaba sa tapat ko, saktong-sakto para sakin yung upuan. Pumipwesto na ko nung maisip kong may mas matandang nakatayo sa likuran ko. Tinignan ko yung upuan, tinignan ko siya. “Sige, kayo na po muna.”

Haaayy, minsan talaga kailangang magparaya. HAHA