0

Ulan, payong, at sapatos

Naisip kita kanina.
Umuulan kasi.
Suot ko yung sapatos kong ayokong ilusong sa ulan.
Sabi mo nun ilusong ko na kasi masisira’t masisisira rin naman kahit anong ingat ang gawin ko.
Ayoko talaga kaya pinili kong magpatila na lang ng ulan.

Umuulan nga noon.
Wala kang payong.
Saktong pagbaba ko ng jeep parang nakita ko ang sapatos mo.
Kinalabit mo ko. Ikaw nga.
Katabi na pala kita di ko pa namalayan.
Sabay tayong nagpatila ng ulan.
Ikaw, para di magkasakit.
Ako, para di masiraan ng sapatos.


Nasa jeep ako kanina nung lumakas ang ulan.
Naisip ko sapatos ko.
Maya-maya ikaw naman sumagi sa isip ko.
May dala ka kaya ngayong payong?

Linabas ko payong ko papunta sa terminal ng traysikel.
As usual, naghihintay ako ng mabbackridean.
Palinga-linga ako’t umaasang may makasabay.
Paglingon ko, akalain mong katabi na pala kita?!

Wala ka na namang payong.
Ano pa nga ba edi pinasukob kita.
Hinawakan mo payong ko kagaya lang nung dati, nung sabay tayong tumawid sa hi-way sa silong ng isang payong.
Hawak mo rin kamay ko noon, sabi mo para di ako mabasa at para makatawid tayo nang matiwasay.
Okays. Kunyari naniwala ako. At kunyari patay malisya lang ako. Kebs kuno haha..


Ayun.
Nagkamustahan tayo.
Napag-usapan ang late na pag-uwi, ang kawalan ng payong samantalang umuulan, at ang pag-iingat sa malapit nang masirang sapatos.
Nakakatawang tadhana.
Akalain mo yun.
Kung kailan kita biglang naisip saka naman kita biglang nakita.
Parehong sitwasyon. Nagkataon lang ba ito o sadyang nakatakda?

Mas mahaba pa sana ang kwentuhan pero dumating na ang pwede kong masabayan pauwi.

Hayaan mo na nga.
Wala lang naman ito.
Hanggang ganito lang tayo.
Pili lang ang panahon na pinagtatagpo tayong dalawa.
Kapag umuulan, wala kang payong at suot ko ang sapatos ko.
Bihira lang yun.
Unless gusto mong sadyain.
Pwede rin naman hahaha πŸ˜‰
Kung ganun lang ba naman kadali e.