0

Masakit?

Ang sakit ng balikat ko. Pati braso at likod. Hayy, masakit pala sa katawan magsurfing. Hahaha.

Kahapon, mag-enjoy lang ang nasa isip ko. Lusong! Sampa sa board, abang ng alon, kampay-kampay, tapos tayo. Pero syempre nahulog din ako at nadulas, nauntog sa board at nahampas ng alon.

May isang beses nahulog ako, pag-ahon ko, buhangin na. Hirap bumwelo pabalik kasi sunod-sunod yung alon. Nung bubuhatin ko na yung board, mabigat pala! Ayun, bumagsak sa paa ko! Hahaha, iyak-tawa ako. 😅 Gusto kong magpahinga pero tinatawag na ako ng instructor ko. Sinisigaw ko, “Can I rest for a while?” Di nya naririnig. Sabi nya, “Lie down.” Sakay na daw uli ako sa board. Ayun. Wala nang time para damhin ang sakit. Go na ulit para sa next wave. Wehehehe. 🌊

0

Alon

Tingin daw sa likod para makita pag may parating na alon. Tinitignan ko naman, pero hindi ko malaman kung alin bang alon ang pwedeng sabayan. Pag may alon na mukhang okay, ang sunod kong problema, timing. Para akong ewan. Natatakot na nag-aalangan. Kaya madalas, hinihiga ko na lang. Di na ako nagbabakasakali. Siguro ayokong mapahiya? Ayokong sumubok tapos mali pala.

Mahina sa timing. Takot sumubok. Mas pipiliin pang wala na lang gawin kaysa sabayan yung alon na alanganin. Di ko alam.

Pero yung totoo, deep inside, gustong-gusto kong makatyempo ng alon na sapat ang taas at pwede kong sabayan, yung tipong magdadala sa akin nang swabe sa pampang. Sana makabalik ako. At sana pagbalik ko, may tapang na akong baon para sumabay sa kahit ano pang alon.

0

Plano

27 days bago ako magbirthday. Anong pakulo ko? Ano na namang pa-countdown ang sisimulan ko tapos hindi ko rin matatapos?

Yung totoo, wala. Wala akong plano ngayon. Ayoko masyadong mag-isip. Ngayong 2019, wala rin akong plano. Okay din, at least, walang planong hindi matutupad, kasi nga walang plano. Haha.

Nawili ako sa pagpaplano ng buhay ko noon. Meron akong To do this day, this week, this month. Gumawa din ako ng time table ko for the next 10 years! Take note, may Plan A at Plan B pa yun! Binalikan ko yung time table na yun, nakakatawa kasi di rin super nasunod. Pati yung end goal pag 35 years old na ako, di ko na sure kung yun pa rin ba ang pinakagusto ko. And well, okay lang yun. Nagbabago talaga ang mga plano. Pero hindi ibig sabihin, nawalang saysay yung efforts kong magplano noon. May sense pa rin kasi nasort out ang mga iniisip ko at somehow naexplore ko ano nga ba ang gusto kong gawin sa buhay. Aaaand, nakita ko na iba pa rin pag si God ang nagplano. Naiiba yung ganaps pero convinced akong better ito sa mga plano ko noon.

Ahm, Lord, pasilip na lang kaya ng time table ko? 😉