0

Mahal na regalo

Ngayong Pasko, naisip ko na higit pa sa pagbibigay ng regalo o damit o pagkain ang pwede nating gawin para maparamdam ang pagmamahal natin sa kapwa. Siguro mas mahalagang regalo na matatanggap ng mga mahal natin sa buhay ay pagpapatawad at yung assurance na mamahalin natin sila at sasamahan kahit ano pang mangyari.

Advertisements
0

Tsktsktsk.

Ayoko pero gusto ko.
Na-eenjoy ko kasi.
Sorry na.

Oops, hala, seryoso ba?
Wag ganun.
Chummy lang ito.
Or not.
Mukhang big deal na.

Gusto kong sabihing walang effect sa akin, pero di yun totoo.

Nauubos oras ko, as in literal na oras.
Ang tagal kong bumangon, nakaka-guilty na.

Di ko magawa yung mga dapat kong gawin.
Hindi na nakakatulong, nakaka-distract talaga.

Okay lang naman daw basta in moderation.

Pero pag na-eenjoy na, kaya pa bang i-moderate lang?
Mahirap yun. Mahirap kontrolin ang sarili.

Anyare sayo, Jas?
Saan mo hinahanap ang saya?

Diba sabi mo, Sa Diyos hanapin ang kaligayahan?