1

Friday of Thanks

Thank You Lord for this day! Thank You for helping me finish my long overdue assignments. Thank You for my kwentuhan with Ate Mai. Thank You for TFP’s email, my heart really jumped for joy! Thank You because I am now one step closer to coming back to teaching. Thank You for friends who rejoiced with me as I update them with this good news. Thank You for their expressed support and for their willingness to be a part of my application journey! Thank You for their moral support, Lord. Thank You for opening this door to me. Thank You!

Advertisements
0

Nag-iipon ako ngayon

Alam mo, nag-iipon ako ngayon. Ng mga kwento. Kinakabahan kasi ako na baka pag tinanong mo ulit ako kung anong kwento ko, wala na naman akong maisagot haha.

Sayo lang ako nawalan ng kwento. Sayo lang ako natahimik. Sayo lang ako di nakaimik. Iba ka. Haha natupi ako e. Paano mo nagawa yun? Bakit may ganun kang effect sa akin?

Pero di na mauulit yun, kasi nag-iipon na ako ng kwento ngayon. Para pag nagkita tayo, handa ako. Di na ako matatameme. Oh yeah.

Di muna ako magkukwento ng mga ganap ko. Pag may time ka na lang. Haha charot!

0

Sapatos ng panghihinayang HAHAHA

IMG20170424165719

Hahaha. May nakita akong magandang sapatos sa Ukay. Maganda talaga. Pakiramdam ko para sa akin yun. Sinukat ko, saktong-sakto lang. Inilakad ko, aba pwede! Tama lang yung taas, di nakakatisod, di nakaka-ilang. P300 lang, pero di ko binili. Napaisip kasi ako, baka di ko naman pala kailangan, baka di ko rin magamit, sayang lang.

Pag-uwi naisip ko, dapat yata binili ko. Babalikan ko yun! Pag nandun pa, bibilhin ko na talaga. Kung wala na, hayy, sayang…

Oo, sayang, pero di dapat masaktan kung may iba nang nakabili, kasi kahit sobrang swak sa akin yung sapatos, ako naman kasi yung umayaw.

0

Ginusto ko pero

Ginusto kong gumawa ng kanta
Pero parang sa akin, di yun natural
Ginusto kong tumula
Pero kasi, di ako sa ganun kilala
Ginusto kong sumayaw
Pero di naman yata bagay
Ginusto kita
Pero alam kong di talaga tayo para sa isat-isa
HAHA

Ginusto kong magseryoso
Pero di ko yata kayang hindi tumawa
Ginusto kong magtrabaho
Pero ang lakas kasi ng wi-fi
Ginusto ko naman talagang magsipag
Pero hinihila ako ng kama huhu
Ginusto kong humugot
Pero wala pala akong paghuhugutan
HAHAHA

Ginusto kong paabutin ito sa 100 words
Pero wala na kong mapigang salita
Pero syempre gagawan ko ng paraan HAHAHA

0

Pilipinas kong mahal

Kinakanta namin noon tuwing Friday
Ang ‘Pilipinas kong mahal’
Sinisimulang mababa
Para maabot yung linyang
‘Ang laya mo’y babantayan’

Napakataas kasi nun.
Kailangan ng matinding buwelo.
Di basta-basta pinapasukan
Kaya nga dapat simula pa lang,
Talagang pinaghahandaan na.

Minsan, pag sobrang taas
May ilang di na kumakanta
Di naman daw abot e,
Di lalabas ang boses
Kung mapapahiya lang din, wag na lang.

Kay lungkot diba,
O Pilipinas kong mahal?
Hanggang kelan kami di iimik
Bakit ba ang hirap abutin
Ng laya mong inaasam namin?

Hanggang kailan kami mag-aalangan
Na ang laya mo ay bantayan?

0

Walang kondisyon

Grabe ang pag-ibig ng Panginoon sa ating lahat. Walang katulad.
Mahal niya tayo kahit marami tayong pagkukulang. Grabe. Nakakalunod. Ibang klase.
Mahal niya tayo kasi mahal niya tayo. Walang kondisyon.
Wala tayong dapat patunayan. Hindi na natin kailangang magpakitang-gilas pa.
Sigurado ang pagmamahal ng Diyos sa atin.

Ang tanong, gaano naman natin kamahal ang ating Panginoong Diyos?
Panigurado, di natin matutumbasan ang pag-ibig niya. Di natin kaya. Basta, ang nais niya, mahalin natin siya nang buong puso, buong isip, buong kaluluwa, at buong lakas.

E kumusta naman ang pag-ibig natin sa kapwa?
Nagmamahal din ba tayo nang walang kondisyon? Ehem.