0

Mga tanong sa bus

Umaandar yung bus?
Hindi tayo mauuntog?

Naiwan si Nanay dun?
Nanaaaay, okay ka lang?

Bakit tayo sumakay ng bus?
Kasi madilim?

Hindi tayo nagjeep?
Hindi tayo mababangga?

Ano ito?
Bakit bus?

Advertisements
0

Konti lang

Okay din pala kung konti lang ang sasabihin
Less words, less mistakes.
Feeling Miss Universe. 🙂
I-push natin itong 25 words
Para matuto akong mamili ng sasabihin.

0

Tuesdays :)

Maraming Tuesday na ang nakalipas, pero di pa rin ako nagsusulat. Siguro kasi di ko mahanap yung mga salitang gagamitin ko na tutumbas sa saya ng kwentuhan natin. O siguro di ko mahabol yung bilis ng utak ko pag inaalala ko yung mga napag-usapan natin sa loob lang ng ilang oras. 

Ang galing no? Lagi na tayong Tuesday kung magkita. Siguro dati, di yun sadya, hanggang sa ang sarap na lang din sadyain na magkita tayo ng Tuesday. Pakiramdam ko tuloy pwede (o dapat) na akong magsulat ng libro na Tuesdays with Charrie HAHAHA

Alam mo ba, isa talaga sa mga panalangin ko e dumalas ang kwentuhan natin, at sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos kasi unti-unti yung natupad. 🙂 Dami ko kasing gustong ikwento sayo, at gustong-gusto ko ring makarinig ng kwento mo.

Dami na nating napagkwentuhan – pangarap, pag-aaral, trabaho, pamilya, teleserye, at kung ano-ano, na iniisip ko, sana pala nakapagsulat man lang ako ng quotable quote mula sa pag-uusap natin hehe.

O basta, ano man ang ganap natin sa buhay, alam kong magsusuportahan pa rin tayo. So, salamats Cha! 🙂 Kitakits ulit sa Tuesday, at sana makapagsulat ako kahit konti tungkol dun. 🙂