0

Sofa Thoughts

Humiga ako sa sofa kanina at pagpikit ko, maraming bumalik na alaala.

Naalala ko nung humiga ako sa faculty lounge namin sa school kasi masama ang pakiramdam ko. May nakakita sa aking ibang teacher at sinumbong ako sa coordinator ko. Nung nasa clinic na ako, pinagsabihan ako ng coordinator ko na wag na akong hihiga doon para walang masabi ang iba. Dumiretso na lang daw ako sa clinic pag di okay ang pakiramdam ko. Simula nun, napadalas na ang paghiga ko sa clinic hehe.

Naalala ko tuloy yung araw na pumasok ako kahit hinang-hina ako. Na-guilty ako kasi pangatlong araw na akong absent, at huli na kami sa lessons, e kailangan nang mag-quiz. Kaya pumasok ako. Pero akala ko lang pala kaya ko na. Halos kakaupo ko lang sa classroom, naramdaman ko agad ang hilo. Ayun, balik clinic. Di ko na ikukwento anong nangyari pababa galing sa Room 501. Basta, okay naman na ako hehe.

Naalala ko tuloy yung mga araw na nasa school ako at nagtuturo. Nakaka-miss. Noon, parang tuloy-tuloy lang ang mga araw, hindi ko nararamdamang nagtatrabaho ako. Basta para lang akong nabubuhay. Ibig kong sabihin, nung nagtuturo ako, dama kong masaya na ako sa ganung buhay. I felt like I’m living the life I want. At palagay ko naman, yun din ang buhay na gusto ng Diyos para sa akin nung mga panahong yun. Seryoso. Ewan ko lang ngayon. Hehe. Darating din tayo diyan.

Naalala ko tuloy yung sabi ni Ate Love sa akin dati, “May iba-iba tayong calling sa ibat-ibang panahon.” Something ganun. At in fairness, sang-ayon ako sa kanya. Saan kaya ako tatawagin sa susunod? 🙂

Advertisements
0

Another lousy poem

Hooray for this Wednesday
A perfect day to run away
Of course, I’m only joking.
Or maybe not. HAHAHAhey!

Stress said “Hello,” and myself said,
“O yes, oooh, well, oh Hi there!”
Stress felt welcomed and so stayed
And behold, a perfect day

A perfect day to write a poem
A lousy poem, oh yes, it is!
Coz I need me time, I need space
To help me say goodbye to Stress 🙂

0

Mahaba-habang lakaran

Bihira lang tayo magkita, pero lahat ng pagkikitang yun, laging sulit. Lalo na nitong mga nagdaang araw. Pag nagkita tayo, buong araw tayong magkasama kasi marami tayong linalakad haha
Grabe, dami nating napagkwentuhan, napunan yung mga panahong di tayo nakakapagkita. Mga kwentong pamilya, pag-aaral, kaibigan, libro, kapayapaan sa mundo, trabaho, pananampalataya, pusa, buhok, plano sa buhay, mga kakilala, palabas sa TV, etc, etc. Di tayo nauubusan ng kwento, marami kasi talaga tayong pwedeng pagkwentuhan. 🙂

Salamat sa mga kwentuhan kasi dun tayo mas nakakapag-isip at yun din ang mas nagpapalalim ng friendship natin, diba? Natutuwa talaga ako sa mga lakad natin, nagmamabagal man na lakad o nagmamadali hihi, mga lakad na akala maikli, napakahaba pala, at mga lakad na akala saglit lang, pero matatagalan pala. HAHA

At kahit halos tapos na ang mga nilakad nating papel, alam kong hindi pa rin tapos ang mga lalakarin natin na magkasama. Nuuks! Go go go Cha! 🙂 Suportahan kita all the way! 🙂

0

God’s response to my drama

February 23, 2017

Jas,

Live a life of prayer. Yan na muna sa ngayon. Don’t be so busy doing things for me to the point that you have no time left for me. Put me first in everything that you do. From the moment you wake up to the time you sleep. Live a life of prayer, Jas. Pray. Talk to me. And please, listen. Listen to me. Listen to what I’m saying.

Then things will go well with you and you will have great success. Your success will be based on the people who came to know Me through your life. Share My love for everyone. Talk about Me. Tama na siguro muna ang crush talks at nonsense talks. Ako naman ang ibida mo ngayon. Nalimutan mo na ba ang mga ginawa ko para sayo? Wala ka na bang bagong kwento tungkol sa pagmamahal ko sayo? Be observant, Jas. Andito lang ako lagi sa tabi mo.

Lastly, if you want to walk on water
you’ve got to get out of the boat.

IMG20170226142623.jpg

Wag kang makontento sa nakasanayan mo na. Go. Live out My dreams for you. Marami pa kong gustong ipagawa sayo. Hindi ka pa mamamatay. Ang tanong, handa ka na bang sumunod? I’ve been preparing you since Day 1. Alam mo naman kung saan kita tinatawag, tama ba? O hanggang ngayon denial ka pa rin? Don’t worry, Jas, kilala kita. Alam kong sigurista ka, gusto mo malinaw ang lahat. Akong bahala. Ako mismo ang kakausap sayo.

Di na ako magpapaliguy-ligoy pa. Basta, makinig ka lang. Marami akong plano para sayo Jas. Humanda ka na. I love you.

0

Sapatos ng panghihinayang HAHAHA

IMG20170424165719

Hahaha. May nakita akong magandang sapatos sa Ukay. Maganda talaga. Pakiramdam ko para sa akin yun. Sinukat ko, saktong-sakto lang. Inilakad ko, aba pwede! Tama lang yung taas, di nakakatisod, di nakaka-ilang. P300 lang, pero di ko binili. Napaisip kasi ako, baka di ko naman pala kailangan, baka di ko rin magamit, sayang lang.

Pag-uwi naisip ko, dapat yata binili ko. Babalikan ko yun! Pag nandun pa, bibilhin ko na talaga. Kung wala na, hayy, sayang…

Oo, sayang, pero di dapat masaktan kung may iba nang nakabili, kasi kahit sobrang swak sa akin yung sapatos, ako naman kasi yung umayaw.

2

Letting go Part 1

Waaaah. Ooooooooh. Does it spark joy?

Okay, let me face the truth. Yes, it indeed sparks joy. I know how excited I am to write a book, to learn a new subject, to plan things out, to work with a highschool classmate. I know. I know it sparks joy. But sadly, I have turned down the opportunity. But why?

I can’t believe I’m feeling this way,
can’t believe I’d admit this to myself.
And honestly, I can’t believe I have let go of the opportunity huhuhu

Lord, I just hope I made the right decision. Help me move on. Amen.

I still want to speak. But I don’t know what to say.
But I want to know why I am feeling this way.
I want to understand what’s happening inside.

Maybe I feel this way because this is my first time to not grab an opportunity.
It feels
so weird.
I am not comfortable with it,
I feel uneasy, unsettled,
coz what I know is that opportunities are meant to be grabbed.
But maybe
some opportunities
are really meant to be ignored.
Maybe. Ooooh. Haha. Hehe.

Siguro nga.

HAHAHA.
So far that’s the most convincing justification I’ve thought of.
YeheyyyyhahahapushtamanaangpanghihinayangmoveonnatayoJashahaha! 🙂

———————————

Grabe, Lord, thank you po. Indeed, thank you for helping me move on. Ilang araw na akong nahihirapan dahil sa panghihinayang. Pero siguro nga, may mga bagay talagang kailangang i-let go. Hindi kailangang i-grab lahat ng opportunity lalo na kung medyo alanganin at mako-compromise ang pagiging tapat at totoo, at posible ring ma-compromise ang mga dapat na priority ko sa ngayon. Tama nga naman. Haaayyyyy. So mukhang kailangan ko na talagang tapusin ang panghihinayang sa librong hindi naisulat, at hintayin ang susunod na pagkakataong makapagsulat. Sana nga may dumating pa. At pagdating nun, sana pwede ko nang sunggaban ang pagkakataon.

0

Happy and meaningful 2017

IMG20161230145158.jpg

Things and events that will make my 2017 happy and meaningful 🙂

  1. Closer relationship with God through daily Bible reading and praying, listening to songs, reading books, writing reflections, and sharing God’s word to more people.
  2. More time for family meals, family kwentuhan and bonding ❤
  3. Bok attending church regularly again, hopefully before we celebrate our 25th birthday. 🙂
  4. More organized room (and the whole house), less clutter, more space for breathing.
  5. Soft-launch of our Crismo Dream Library, with books well-sorted and children enjoying reading the books.
  6. Punctual Jassy, never late for work, at church, in meeting friends, etc.
  7. A God-centered 25th birthday celebration, whether thru a concert, exhibit, pakain, or whatever it may be.
  8. Grabbed and maximized opportunities to share God’s word and God’s love in word and in deed, inside the bus, in our neighborhood, at work, at home, with friends, etc. (Hope I could write those stories!)
  9. Jassy filled with joy, strength, wisdom, and courage to share God’s love to the world. 🙂 ❤