0

Tuesdays :)

Maraming Tuesday na ang nakalipas, pero di pa rin ako nagsusulat. Siguro kasi di ko mahanap yung mga salitang gagamitin ko na tutumbas sa saya ng kwentuhan natin. O siguro di ko mahabol yung bilis ng utak ko pag inaalala ko yung mga napag-usapan natin sa loob lang ng ilang oras. 

Ang galing no? Lagi na tayong Tuesday kung magkita. Siguro dati, di yun sadya, hanggang sa ang sarap na lang din sadyain na magkita tayo ng Tuesday. Pakiramdam ko tuloy pwede (o dapat) na akong magsulat ng libro na Tuesdays with Charrie HAHAHA

Alam mo ba, isa talaga sa mga panalangin ko e dumalas ang kwentuhan natin, at sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos kasi unti-unti yung natupad. πŸ™‚ Dami ko kasing gustong ikwento sayo, at gustong-gusto ko ring makarinig ng kwento mo.

Dami na nating napagkwentuhan – pangarap, pag-aaral, trabaho, pamilya, teleserye, at kung ano-ano, na iniisip ko, sana pala nakapagsulat man lang ako ng quotable quote mula sa pag-uusap natin hehe.

O basta, ano man ang ganap natin sa buhay, alam kong magsusuportahan pa rin tayo. So, salamats Cha! πŸ™‚ Kitakits ulit sa Tuesday, at sana makapagsulat ako kahit konti tungkol dun. πŸ™‚

Advertisements
0

Mahaba-habang lakaran

Bihira lang tayo magkita, pero lahat ng pagkikitang yun, laging sulit. Lalo na nitong mga nagdaang araw. Pag nagkita tayo, buong araw tayong magkasama kasi marami tayong linalakad haha
Grabe, dami nating napagkwentuhan, napunan yung mga panahong di tayo nakakapagkita. Mga kwentong pamilya, pag-aaral, kaibigan, libro, kapayapaan sa mundo, trabaho, pananampalataya, pusa, buhok, plano sa buhay, mga kakilala, palabas sa TV, etc, etc. Di tayo nauubusan ng kwento, marami kasi talaga tayong pwedeng pagkwentuhan. πŸ™‚

Salamat sa mga kwentuhan kasi dun tayo mas nakakapag-isip at yun din ang mas nagpapalalim ng friendship natin, diba? Natutuwa talaga ako sa mga lakad natin, nagmamabagal man na lakad o nagmamadali hihi, mga lakad na akala maikli, napakahaba pala, at mga lakad na akala saglit lang, pero matatagalan pala. HAHA

At kahit halos tapos na ang mga nilakad nating papel, alam kong hindi pa rin tapos ang mga lalakarin natin na magkasama. Nuuks! Go go go Cha! πŸ™‚ Suportahan kita all the way! πŸ™‚

Chat
0

To my best friend whom I miss so much

Hi Cha!

I want to mail you a letter but I don’t know what to say. I just want to let you know I miss you and I still care for you and I long to hear your stories and share mine, too. That’s all. Probably, I’ll send it tomorrow. Yeah, hopefully I’d find the words to say hihi.

Oh, what a drama! But I want no more dramas. I miss us being so carefree, talking about things that lighten up our loads and brighten up our faces. HAHA I miss our spontaneous conversations. Let’s chat over a cup of coffee (oh, we don’t drink coffee together, maybe let’s just chat over, ahm, buns filled with condensed milk and cheese? Yeah, I miss that merienda with you.) I miss you. Let’s meet soon. Yeah, soon. As soon as possible. But really, I don’t know what stories I would share. I guess, I just want to be with you, to sit beside you and watch the fountain up and splash and whatever. Yes, I just want to be with you. πŸ™‚

I hope to see you soon. Take care coz I care. HAHA I love you Cha. ❀

With smiles and prayers,

Jas πŸ™‚

0

MTAP days

Hi Cha! πŸ™‚
Ngayon lang ulit, sayang ang mga pinalagpas kong saglit. Anywayssss, MTAP days na! Medyo excited na ko pero hindi pa ako kasing-confident nina T. Josie noon. Sadly, medyo may hesitations pa ko pero hopefully, bukas mas ayos na. πŸ™‚

Haaaaayyy. Ang weird ng feeling na hmmmm basta alam mo yun, may personal choice ako kung sino sana ang mapili for next round huhubells feeling ko tuloy ang mean ko hmp! Ewan, sana maaalis yung ganitong bias na feelings para maging fair ako bilang titser. Medyo sumusungit din ako, ayoko itong nangyayari. Gusto ko sana, kung gaano tayo kakomportable nung review days natin dati e ganun din maparanas ko sa kanila ngayon.

Sana nga. By God’s grace, haharapin ko sila bukas na mas warm at approachable. Sisikapin kong i-entertain ang questions nila. Mas magiging matiyaga ako. Iiwasan kong kumunot ang noo ko. Pipigilan ko ring magkasalubong ang kilay ko hehehe

Haaay Cha, gusto kong manghingi ng tips sayo kung paano ba magiging mas masaya ang review days namin. Kwentuhan tayo soon. Next week na laban. Pray for us! πŸ™‚

With smiles and prayers,
Jas

PS I miss you na! Hahaha

 

Update: Pinuntahan ko si Cha sa bahay nila nungΒ January 11Β at malaking tulong sakin ang kwentuhan naming yun. Thanks, Cha!

45