Status
0

Hi Cha!

Natutupad na ang pangarap kong maging coach para sa Math contests 🙂 Napaka-nostalgic ng feeling – yung library, yung saya ng pagre-review, yung walang katapusang pagsasagot ng Math books at syempre yung excitement at kaba kapag laban na.

Naalala ko dati, may sulat pa tayo sa isa’t isa kapag contest day na. Haha. Miss ko na ang sulatan natin (kaya nga every Tuesday, eto na, susulatan na kita, kunyari magkasama tayo ngayon at nagkukuwentuhan hihihi)

BULPRISA pa lang ang pinaghahandaan namin pero after nito, MTAP naman. Yieee! Naging masaya ang review days noon kasi partners tayo 🙂 nahirapan talaga ako nung naiba, syempre, mas natural kasi ang lahat kapag ikaw ang kasama ko. Walang ilangan, walang pagdududa at higit sa lahat, walang kompetisyon. Hehe. Haaay.

Pareho na tayong working girls ngayon. Ako, eto, kasama sa pagbalik sa ating mahal na school e binabalikan ko rin ang memories ng ating school days. Ikaw, iba na ang environment mo ngayon at panatag naman akong makita na well-adjusted ka sa trabaho mo. Halos 3 years ka na nga ba diyan?

Ehem. Kahit ibang-iba pa ang mundo natin ngayon (whuut? haha), masaya akong nakakapagkuwentuhan pa rin tayo. Hindi na nga lang ganun kadalas pero tine-treasure ko talaga ang mga bihirang saglit na yun lalo na yung time na binisita kita sa bahay niyo at rinegaluhan kita ng pamburang pagong. Napakagaan ng usapan natin nun at napakanatural lang. Walang reservations, walang dull moment. Pareho tayong excited at basta masaya lang. Ang haba ng ngiti natin nun, sayang nga walang picture!

I miss you Cha! Miss na kita soooo much! Kung pwede lang magkita tayo randomly somewhere tapos magkukuwentuhan lang tayo about life. Tapos pag may biglang awkward silence, may magtatanong “Anong iniisip mo?”

Sana ganun lang kadaling magsked. Haaayy.. kaya yan!

Inaasam-asam ko na ang araw ng muli nating pagkikita! Nagpagupit na ako, so pwede na talaga tayong magkita! Hahaha. :)))

image

Dati effort pa talaga tayong magdrawing ng “picture” natin, ngayon copy paste na lang wahaha.

I miss you Cha! I miss being with you, talking with you, and praying with you. Miss ko na ang mga natural at spontaneous nating kwentuhan at kulitan.

Kumusta ka na? Anong iniisip mo?

Andami ko na namang sinasavi hehe. Osiya, good night Cha! God bless you. 🙂

With smiles and prayers from your best friend who misses you so much,
Jas 🙂 ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s