0

Jamming Time

Ngayon na lang ulit ako nakapaggitara with friends. Magandang pakinggan yung kantahan namin kanina, swak yung mga boses namin sa tunog ng gitara, kasabay pa ng ulan. Nakakatawa nga lang kasi tuwing bibirit ako, biglang lumalakas ang ulan. Haha.

Halos mga kanta nung highschool ang tinugtog namin, lahat tuloy kami napapangiti. Dami kasing alaalang kasama ng mga kanta. Yung iba may mga kwento, yung iba wala lang. Basta, mga kanta yun nung panahon namin.

Sa lahat ng kinanta namin kanina, pinakanagustuhan ko yung When you say nothing at all. Kinakanta kasi namin yun noon tuwing MTAP review sa library. Natutunan ko rin ang second voice nun. Kanina, nirequest ko na kantahin ng kaklase ko yung melody para ma-practice ko yung second voice (kung kaya ko pa!)

Tinugtog ko yung pangalawang stanza, kinanta niya yung melody, sinabayan ko ng second voice. 

Kumanta na nga kami, na akala mo e sigurado sa tono. At napangiti na lang ako, labas dimple. Ang sarap pakinggan 🙂 Tumahimik yung mga kwentuhan, pati ulan at hangin nakinig. Napanganga rin yung iba pa naming classmates (o baka akala ko lang pala haha) habang nakikinig.

Ang sarap kumanta. Pakiramdam ko nagningning mga mata ko kanina habang kumakanta at inaalala ang highschool memories naming lahat. 🙂 Naalala kong nagduduet din kami ni classmate dati pag naghihintay kami ng teacher. Napailing ako sa tuwa kasi kaya pa rin pala naming kumanta nang sabay, nasa tono pa rin. Napangiti na lang talaga ako. Ang galing! Yey! Sa uulitin!