0

Closing prayer

Binalikan ko ang aking 2019 ganaps. Amazing, nakaka-bless.

Thank You Lord for a wonderful year! Hindi mo po ako iniwan kahit gaano ako kapasaway. Salamat po. Salamat po sa nth chance para magbagong buhay at magbalik-loob sayo. Let me live my life na napapangiti kita. Sana maging pleasing po sa inyo lagi ang iniisip, sinasabi, at ginagawa ko. This is it, Lord. Bagong simula. Iwan na po natin ang nakaraan. Ready na po ako sa hinanda nyo sa akin for this year. Be with me always, Jesus. I love you po.

Salamat po sa panahong binigay nyo sa akin para magmuni-muni. Salamat sa mga taong nakausap, mga lugar na napuntahan, mga thoughts na nasulat at nadrowing at nakanta. Magmumove-on na po ako. HAHAHA. Be with me, Lord. Amen.

0

Masakit?

Ang sakit ng balikat ko. Pati braso at likod. Hayy, masakit pala sa katawan magsurfing. Hahaha.

Kahapon, mag-enjoy lang ang nasa isip ko. Lusong! Sampa sa board, abang ng alon, kampay-kampay, tapos tayo. Pero syempre nahulog din ako at nadulas, nauntog sa board at nahampas ng alon.

May isang beses nahulog ako, pag-ahon ko, buhangin na. Hirap bumwelo pabalik kasi sunod-sunod yung alon. Nung bubuhatin ko na yung board, mabigat pala! Ayun, bumagsak sa paa ko! Hahaha, iyak-tawa ako. πŸ˜… Gusto kong magpahinga pero tinatawag na ako ng instructor ko. Sinisigaw ko, “Can I rest for a while?” Di nya naririnig. Sabi nya, “Lie down.” Sakay na daw uli ako sa board. Ayun. Wala nang time para damhin ang sakit. Go na ulit para sa next wave. Wehehehe. 🌊

0

Alon

Tingin daw sa likod para makita pag may parating na alon. Tinitignan ko naman, pero hindi ko malaman kung alin bang alon ang pwedeng sabayan. Pag may alon na mukhang okay, ang sunod kong problema, timing. Para akong ewan. Natatakot na nag-aalangan. Kaya madalas, hinihiga ko na lang. Di na ako nagbabakasakali. Siguro ayokong mapahiya? Ayokong sumubok tapos mali pala.

Mahina sa timing. Takot sumubok. Mas pipiliin pang wala na lang gawin kaysa sabayan yung alon na alanganin. Di ko alam.

Pero yung totoo, deep inside, gustong-gusto kong makatyempo ng alon na sapat ang taas at pwede kong sabayan, yung tipong magdadala sa akin nang swabe sa pampang. Sana makabalik ako. At sana pagbalik ko, may tapang na akong baon para sumabay sa kahit ano pang alon.