Kumusta ka na?

Nagdrama ako kanina, sabi ko walang nangangamusta sa akin, lagi na lang ako ang nangangamusta. Habang umiiyak, nagfa-flash sa isip ko yung mga chat at text ng friends ko na nangangamusta. So naisip ko, bakit ako nagdadrama e kinukumusta naman ako ng mga tao? May nahaltak akong dalawang dahilan:

  1. May inaantay akong mga tao na mangangamusta sa akin haha
  2. Gusto ko pala sanang pagkamusta ay phone call yeaaaaaah

Haaaaayyyyy. In fairness, naka-almost 4 hours ako ng phone call sa dalawang kaibigan today. Thank you Lord. Meron ding dalawang nagtext o nagchat para mangamusta. Simpleng bagay pero big deal sa akin ngayon. Thanksphoewsz.

Leave a comment