0

Letter to my Inner-critic

Hi Inner-critic. Wala ka pang pangalan. Kung si Jassy yung dreamer at cheerleader, at si Jas yung default self ko, ang pangalan mo ay Jin. Bagay sayo, swak. Tunog strikto, hindi pakeme lang haha.

Hi Jin, napansin ko madaldal ka lately. Sabi mo ayusin ko pagkanta ko. Wag na akong kumanta kung bara-bara lang. Sabi mo di ko naman talaga alam ginagawa ko, niloloko ko lang sarili ko at yung mga tao. Ayan, nabuko na ako ni Maam kanina. Hayy. Sabi mo mapagpanggap ako, sipag-sipagan, kunyari productive, wala namang nagagawa. Ayoko na tuloy.

Minsan nakakatulong ka, pero minsan napa-paralyze mo ako. Hindi na ako makagalaw. Parang ayoko na lang gawin kung mediocre din lang. Ganun yung pakiramdam.

Pa-request. Pwede bang wag mong masyadong i-dominate yung puso at isip ko? Pagsalitain mo rin si Jassy, masyado syang nananahimik. Si Jas, pansinin mo rin. Wag puro ikaw, Jin. Walang matatapos pag puro kontra sinasabi mo. Bumababa na self-esteem ko, feeling ko chareng-chareng lang ginagawa ko. Well, gusto ko rin namang magseryoso. Pero gusto ko ring maging free to express. Nalilimit ako ng sineset mong standards. Hindi ako makagalaw. Gusto ko rin namang maging better person. Tulungan tayo. Penge space hehehe.

Love, Jasssss.

*this post was inspired by Anna Akana’s video on negotiating with your inner-critic