0

Diskarteng pa-safe

Ako yung tipong pa-safe.
Saktong reaksyon lang.
Di pasaway. Di rin super masunurin.
Sakto lang. Yung hindi pansinin.

Ayoko kasing mapagalitan.
Ayokong masigawan
Kaya tahimik lang ako madalas.
Di ako napag-iinitan.

Pag di ako sumunod, di ko papahalata.
Pag may gala, sinasabay sa valid na lakad.
Tamang timing at dahilan, makakapasa na.
Madali lang naman, basta kumpleto ang paalam.

Madalas din akong gabihin noon
Akala ko nga di pansin, yun pala ako ang di nakakapansin
Nagagalit pala si Papa pag gabi akong umuuwi
Nagpaalam o hindi, di raw ako dapat magpagabi.

Alam ko na ngayon bakit galit si Papa
Pag kumakain ako sa labas at gabi na umuuwi
Gusto nya sabay-sabay kaming kumain
Para maramdaman naman niya ang “pamilya” namin

Alam ko na ngayon na nalulungkot talaga sya
Pag umuwi kaming mga anak nya na nakakain na sa labas
Gaya ngayon, alam kong gutom na siya
Kaso nakakain na ako, tapos sya, magluluto pa.

Nakaka-guilty naman.
Mag-aaral na akong magluto para next time
Pag-uwi niya may pagkain siyang dadatnan
Tapos sabay kaming kakain ng hapunan. 🙂

Advertisements