Long time together kasi long time no see

Yeyy, finally, nagkita na tayo! Super busy ng mga nagdaang buwan, sa pag-aaral mo at sa trabaho ko. Buti na lang tapos na ang lahat. Sabay-sabay natapos ang 2017, ang sem mo, at ang project namin. At ang future namin ng crush ko. Charots.

Naalala ko nung nagkita tayo dati, ikaw yung nagtatrabaho tapos ako yung nag-aaral. Pakiramdam ko noon maraming pagkakaiba ang nagtatrabaho sa nag-aaral, pero ngayon naiisip ko, woooh, parang pareho lang naman yata! Haha. Nasasabayan pa rin naman natin ang kwentuhan at experiences ng isat-isa.

Anyways, simula nung nabasa natin yung The Secrets of the Family Tree, dumalas ang usapan natin tungkol sa pamilya, kung paano tayo nakaka-relate sa mga sinabi sa libro, at (ang pinakamahirap) kung ano na ang gagawin natin sa nabasa natin. Buti na lang gets natin ang isat-isa. Yey!

Natutuwa ako sa exchange gifts natin tuwing ganitong season, at sa exchange thoughts natin sa mga ganaps sa paligid natin at sa mga kakilala haha. Hindi talaga tayo mawawalan ng pag-uusapan. Salamats Cha!

Laging refreshing ang oras ko with you. Thank you! Sa susunod, sige, mag-Eco Park naman tayo. Tingin tayo sa clouds. HAHA. God bless sa second sem mo at sa bahay mode ko. πŸ™‚

PS Na-realize ko ngayon lang, di pala natin masyadong nata-topic ang lovelife mo hehe. Puro kasi ako daldal ng crushlife ko e! Sa susunod na lang. πŸ™‚

PS ulit Tho nasa Tuesdays with Charrie na category ito, Saturday talaga ito, hindi Tuesday hehe πŸ˜‰

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s