Field Demo experience

Thank You Lord sa Field Demo. 🙂

Salamat po sa grace niyo sa buong paghahanda namin, sa lakas at energy na binigay niyo sa walang katapusan naming practice, sa katapangan na binigay niyo nung first time kong contact-in ang parents hehe, sa mga taong inilapit niyo sa akin para makatulong sa paghahanap ko ng mananahi at tela para sa costume ng mga bata, at sa kasiyahang naidulot ng mismong pagsayaw nila ng Mazurka Boholana.

Grabe. Life-changing. Sabay ganun e no? Hehe. Pero honestly, Lord, ngayong field demo ko po pinakanaranasan ang pagiging adviser ko. Oo, nakakapagod mag-asikaso ng costumes, mag-oversee ng practice, mag-passify ng mga agitated na bata dahil sa kaka-practice, kumausap ng mga demotivated sumayaw, at magpangiti ng mga batang pagod at kinakabahan HAHA. Pero napagod man ako physically, ang gaan-gaan naman ng pakiramdam ko lalo pag nakikita kong unti-unti nang naayos yung sayaw namin, nagiging kalmado na yung mga kaninang iritable, at sumasayaw na rin yung mga nung una e ayaw talagang sumali. Nakakangiti na sila at nagiging confident. Nakakatuwa. Ang sarap maging titser. Ang sarap maging adviser. ❤

Maraming salamat po, Panginoon. Salamat po ng maraming-marami sa privilege na maging adviser ng Grade 6-Industry. 🙂 Salamat po sa lahaaaat ng natutunan at naranasan ko dahil sa Field Demo na ito. 🙂

12805790_10205962037875819_404461492452475687_n

Salamat din po na naging 1st runner-up kami. Salamat po sa 6-Industry boys and girls na nagbigay ng oras at effort at lahat ng meron sila para maging maayos ang sayaw namin. Salamat po sa parents na pinayagan silang mag-practice nung Thursday kahit na walang pasok nun. Salamat po kay Irish na tumulong sa aming matapos ang sayaw. Salamat po sa Rondalla na sumama sa amin sa pagppractice. Salamat din po sa coteachers ko na tumulong sa pagmmake-up sa mga bata, lalo’t wala talaga akong alam dun. Hehe.

Salamat po sa experience na ito na naging dahilan para maging mas close kami ng mga estudyante ko. Ang sarap sa pakiramdam na makitang masaya sila sa mga ginagawa nila at talagang napapahalagahan nila ang pagkakaibigan nila. Nakakatuwa rin na naging bahagi na talaga ng kahit anong ginagawa namin ang pananalangin. Yehey! Nakakataba talaga ng puso. Lalo na kapag naaalala ko yung mga ngiti nila nung tinawag na yung section namin. Alam kong binigay nila ang best nila, ako rin, nabigay ko ang best ko. At lahat po ng ito ay para sa inyo at dahil sa inyo, Panginoon. Sa Diyos ang lahat ng papuri!

Salamat po sa lahat-lahat. Maraming salamat po, Panginoong Jesus. Amen. Amen. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s