My Hidden Talent

The United Methodist Church is starting a group of writers for our youth ministries.

Interested young people are encouraged to submit articles and share their writing experiences. I’m interested and so I did what I got to do. 🙂

I just want to share it here 🙂

Hi Kuya Mighty!

I’m Jas and I enjoy writing. Well, I write and write about my day, my experiences, realizations, questions, dreams, and other things worth remembering.  Minsan tula sinusulat ko, pero madalas kung ano lang ang nasa isip ko.

Frustrations
Ever since, frustrated writer na ako. Pangarap kong maging writer pero di raw pwede sabi ni Mama kung hindi ako magbabasa.
I took up Creative Writing and Malikhaing Pagsulat at UP hoping to have a formal training on writing but both my professors (Anton Juan and Jun Cruz Reyes) were non-traditional in their teaching.

Sir Anton Juan required us to put entries on our writing journal everyday, and so I did. A classmate once saw my entries and commented that I write too long. That remark hit me. Ayoko nang magsulat after nun. Sabi niya kasi, wala raw magbabasa ng mga sinulat ko dahil ang hahaba. Admittedly, na-restrict talaga ako nun. At na-down… Haaay, ang tagal nagtalo ng damdamin ko kung titigil na ba akong magsulat, iiklian ko na lang o hahayaan ko pa ring dumaloy ang ideas ko.  Well, eye opener din naman, baka nga masyado akong madaldal. I learned to choose my words wisely and decided to limit each entry to just 100 words.

Sabi ni Sir Jun Cruz Reyes, kaya ko naman daw magsulat pero kulang ang isang sem haha kaya pinaggupit na lang niya ako. Magsulat daw ako gamit ang gunting at mga piraso ng papel, magazine, dyaryo at balat ng tsitsirya. Paggugupit daw kasi ang talent ko at hindi pagsusulat. Boinks! (haha just want to share, feeling ko kasi medyo sinukuan niya akong turuang magsulat haha pero no hurt feelings naman)

Inspiration
Napag-alaman ko nung college na tumatanggap pala ang Upper Room daily devotional guide ng articles from people around the world.  Na-inspire ako, ginusto kong magpasa ng article! Naisipan ko pa ngang gumawa na lang ng sarili kong devotional haha. Naglevel up tuloy ang journal entries ko, lalo na tuwing Quiet Time ko. Dati, nagsusulat lang ako to express my thoughts, pero unti-unti inaayos ko na ang pagsusulat ko para eventually ay makabuo nga ako ng isang buong devotional through my Quiet Times with God. Exciting!

This year, sinama ako ni Mama sa VCS team. Pinagsulat ako ng lessons. Happy si Mama sa sinulat ko.  Masaya rin ako kasi first time yata (or maybe not) na pinuri niya nang ganun na lang ang output ko. As in damang-dama ko na natutuwa siya kasi paulit-ulit niyang sinasabi na masaya siya sa sinulat ko. 🙂 Na-affirm ako at na-encourage na i-cultivate pa ang aking hidden talent.  Baka nga naman may talent ako sa pagsusulat, masyado lang akong mahiyain para i-expose yun kasi alam kong hindi pa ako ganun ka-excellent.

Hopes
May blog din ako, pero di ko pinagkakalat. Mahiyain pa nga kasi ako. Yung articles na naka-attach ay galing po sa blog ko. Ilang beses ko nang ginustong makapunta sa blogging workshop niyo (kung yun nga ba ang tawag dun) pero laging hindi ako pumupwede sa sked. And so, ngayon, hoping po ako na makasama sa mga ime-mentor niyo kasi gusto ko talagang mapaghusay pa ang pagsusulat ko.

Dream ko po talaga na dumating ang araw na confident na akong i-share ang blog ko sa iba lalo na sa mga UMYF at sa mga students ko. Plus yung Daily devotional for Math teachers na gusto ko ring ma-publish someday, by God’s grace siyempre. 🙂 I hope I could be a part of the group. Thanks po! God bless!

With smiles and prayers,

Jasmin G. Crismo

..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s