Nothing on the floor!

Lagi yang bilin sakin ni Mama pag pumapasok siya sa kwarto ko. Andami ko raw papel, tiket ng bus, balat ng kendi, tisyu ng Jollibee, at kung ano pang mga anik-anik at abubot na di ko na raw kailangan.
Aba, e mahirap kayang magtapon! Lalo na kung artist ka kagaya ko! Gagamitin ko pa yan sa cut out paintings ko (Hehe o baka palusot ko na lang yun hmmm)

Kada new year, sinisikap kong bawasan ang collection ko.

Dati, pumupunta pa bespren ko sa bahay namin at walang habas niyang tinatapon ang aking treasured clutter. Hawak ang malaking plastic bag, shinushoot niya dun ang mga gamit kong wala na raw namang pakinabang. Madalas, tama naman siya kaya wa na kong palag.
Mahirap mag-let go pero ginusto ko na rin. Kailangan e. Marami na ang naipon kong kalat at alikabok. Kailangan ko ng breathing space. Kumbaga sa cellphone, kailangan ko ng space for new messages at ang tanging paraan ay mag-delete huhubells. Masakit (oops, medyo OA haha) pero yun ang mainam na gawin. Alam ko yun.

Second day na ng aming #KwartoCleanUp2015. Higit tatlong plastic bag na ang natapon ko. Wow! Nakapagwalis na rin ako at kahit si Mama e sigurado akong magugulat. Nothing on the floor! Ready nang magwelcome ng friends. Mas inviting na ring pahingahan. At higit sa lahat, swak na para sa mas focused na Quiet Times. Yipee!
Sabi ni John Wesley, “Cleanliness is next to godliness.” Itong dalawang bagay na ito ang pagsisikapan ko ngayong taon. Syempre, by God’s grace and for God’s glory. šŸ™‚ Yey! Excited na ako sa mas maayos at malinis kong 2015. Thank You LORD!

“Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahonĀ  may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon.” -Mangangaral 3:1, 6

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s