Ideal guy ko whuut haha

Hahaha sabi ng titser ko, babaan ko raw ang standards ko pagdating sa ideal guy ko, masyado raw idealistic. Wahaahaha. Whuuut?

Pano raw ako makakahanap ng mapapangasawa kung ang dami kong qualifications na hinahanap? Haha hello, hindi ako maghahanap no, siya ang humanap sa akin hahaha
Ang gusto ko lang naman sana e…

mas matalino sakin (makabuluhang kausap, napapa-woah! ako sa ideas niya), musically inclined (pwede kong maka-bonding sa kantahan at jamming) at syempre may personal na relasyon sa Diyos (yung ramdam kong mas mahal niya ang Diyos kaysa sa akin hihi sweet).

Balitaan ko na lang daw ang titser ko kung may makilala akong ganung lalaki. May diin sa kung. Imbitahin ko raw siya sa kasal. Hahahaha. Na-excite tuloy akong magka-lovelife. Weh di nga? Kaso hanggang crush pa lang ang level ko boinks!

Marami akong mga crush. At ayokong alamin kung crush ba nila ako kasi noon may lalaking nagsabi saking crush niya ko. Kilig much ako kasi crush ko rin siya that time. But no! Marami rin pala siyang crush. Hmmp!

O diba, hanggang crush experience pa lang ako tapos pag-aasawa na naiisip ko. Hayan ko na nga.

Sabi nga ng titser ko, kusang darating yan. Kusang titibok ang puso at malalaman kong siya na nga. Whuuut? Hindi ko kinakakaya ang kakornihang eto at hindi rin bagay sakin ang topic na ito wehehehe.

Basta, ang ideal guy ko ay yung nagsisikap na maging kagaya ni Jesus sa isip, sa salita at sa gawa.

Advertisements

One thought on “Ideal guy ko whuut haha

  1. Pingback: What makes a girl beautiful | jassy delights

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s