Sariling kwarto

Pag-uwi, konting hi, konting ngiti, diretso sa sariling kwarto.
Magtatrabaho, magpapahinga, magmumuni-muni.
Lahat ito, gagawing mag-isa.

Tatawagin para kumain.
“Saglit.” Tipid na tipid ang sagot.
Pagkatapos kumain, balik ulit sa sariling kwarto.
Manonood, magte-text, magbabasa.
Lahat ito, gagawing mag-isa.

May papasok sa kwarto para magkwento.
Konting tingin, konting oooh talaga?, konting paramdam na tapos ka na ba?
Aalis ang nagkukwento, ayan, tahimik na ulit, balik ulit sa sariling mundo.

Gabi na, antok na, pagod na.
Magliligpit, magdadasal, matutulog.
Lahat ito, gagawing mag-isa.

Magigising kinabukasan, syempre, nasa sariling kama pa rin.
Magdadasal, mag-iinat, maghahanda.
Lahat ito, gagawing mag-isa.

Kakain, magtu-toothbrush, maliligo at magbibihis.
Lahat ito, gagawing mag-isa.

Papasok sa school. Mamayang hapon, uuwi ulit.

Ang tamlay diba? Malungkot pala magkaroon ng sariling kwarto kung magkukulong na lang ako dun magdamag.

Kaya kong gawin ang mga bagay mag-isa, pero halos puro para sa sarili ko lang din ang mga bagay na iyon. Wenks.
Sa huli, mas masarap pa rin gumawa ng mga bagay para sa ibang tao at syempre para sa Diyos.

Masyado na kong isolated at self-seeking. Hindi pwede. Masyado na yata akong nagpakulong sa sarili kong kwarto.
Puro sarili ko na lang ang pinapakinggan ko at pinaglalaanan ko ng oras.

Mali. Kailangan ko namang lumabas, kahit hanggang sala lang.
Makisabay sa pagkain ng hapunan; makipagkwentuhan sa mga kapatid, magulang, auntie at uncle; magpanalanginan bago matulog.
Lahat ng ito gagawin namin nang sama-sama.

Kailan ito mangyayari?

Kapag bawat isa sa amin e nagpasya nang lumabas sa sarili naming mga kwarto. Sisimulan ko ngayon.
Kapag naglaan na kami ng oras para umupo nang sama-sama sa sala, sa kainan, o sa kwarto nina Ma at Pa. Sisimulan ko ngayon.
Kapag nabawasan na ang pag-iisip namin sa sarili naming hilig o kapakanan o kagustuhan. Itutuon namin ang mga gawain namin para sa Panginoong Jesu-Cristo. Sisimulan ko ngayon.
Kapag natutunan na naming pahalagahan ang aming pamilya nang higit pa sa aming mga sarili. Sisimulan ko ngayon.
Kapag nasanay na kaming magkwentuhan sa bahay ng aming mga saya, hinagpis, o kahit anong pwedeng mapagkwentuhan. Sisimulan ko ngayon.

Simple lang ang mga ito pero makakatulong para mas maiparamdam namin ang pag-ibig namin sa isa’t isa.  Okay rin ito para mas maranasan namin ang pag-ibig ng Diyos sa aming pamilya. Hindi ko masasabing sanay akong gawin lahat ng iyan, kasi hindi naman talaga. Siguro sa simula magiging awkward pero darating ang panahon na magiging natural na lang sa amin ang kwentuhan tungkol sa personal naming mga buhay.

Mangyayari ito soon! Thank you Lord.

Thank you Lord sa realizations. Thank you Lord sa hope.

Amen! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s