Entropy

Chaos. Randomness. Disorganization.

Kung sa gusto lang, gusto ko talaga ng maayos na kwarto. Pangarap ko ngang magkaroon ng super ayos at super organized na kwarto e! Ang di ko maintindihan, bakit hindi nagtatagal ng isang linggo ang kaayusan ng kwarto namin. Bakit nga kaya?

Maraming gamit, hindi swak ang lalagyan.

Maraming tambak, wala nang mapaglagyan.

Maraming kalat, walang basurahan.

Maraming ginagawa, nawawalan ng oras sa paglilinis at pag-aayos.

Maraming palusot, kagaya ng mga una ko nang nasabi hahaha

Boinks! Kaya naman pala pabalik-balik ang kalat at gulo. Nauuna kasi ang pag-iisip ng palusot imbes na solusyon. Nauuna rin ang pahinga bago paggawa.

Ngayong gabi, hindi ko na matiis, nag-ayos na ako ng bed. Wala na ang tambak ng damit. Wala na ang nagkalat na mga papel. Masarap na ulit higaan ang bed kong mahal. Hihi.

Ang tanong, hanggang kailangan ito magtatagal?

Totoo bang nawala na ang mga tambak at kalat o ang lahat ng ito ay pagpapanggap lang? O baka isang panaginip lamang?

Advertisements

One thought on “Entropy

  1. Pingback: Entropy II | just mean hope

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s