On being hopeful

Mahirap maging hopeful kapag pagod ka na.  Lalong mahirap maging hopeful kapag gusto mo na talagang sumuko at isigaw na lang ang frustrations mo. “Waaaah! Ayoko na!”

Pero ano ba ang mapapala ko kapag nagpadala ako sa frustrations, pagod at anxiety ko?

May mabuting madudulot ba kapag nag-decide akong wag nang mag-effort at umasa dahil hopeless naman na ang sitwasyon at lilipas din naman ang mga araw at buwan? Okay lang ba na tamarin na lang ako at ipasa-Diyos na lang lahat, kumbaga e ‘Bathala na’?

Hmm medyo OA pero minsan nakakapagod ding manaway  nang manaway ng pasaway na bata.  Nakakapagod din (at nakaka-frustrate!) magturo nang magturo tapos hindi na nga nila ma-gets e hindi pa sila nakikinig. Haha hugot na hugot. Tapos pag checking na, ehem, bilang sa daliri ang nakapasa huhubells.

Minsan pakiramdam ko wala akong naituro, wala akong alam sa pagdidisiplina, o baka… ewan. Haaahahaha haaaayy.

Okay lang. First year of teaching ko pa lang naman *pampalubag-loob*.  Marami (as in marami) pa akong kakaining bigas. Wahaha.

Marami pa akong pagkukulang. Marami pa akong matututunan. Sabay-sabay kaming mag-aaral ng mga estudyante ko. Sila, mag-aaral pano makinig nang mabuti at mag-solve ng equations nang tama. Ako, mag-aaral ng swak na classroom management at aaralin din kung pano ituro nang dahan-dahan at interesting ang pagso-solve ng equations. Kaya namin ‘to! Hopefully. 🙂

Patapos na ang First grading. Woooh. Masaya namang magtatapos ang lahat.  Sana maging better ang aking pagtuturo sa Second grading. At sana rin maging mas disiplinado at masipag mag-aral ang students ko. Yes, tama!

HAHAHA.  Mas masarap maging hopeful. Mas pakiramdam kong magiging better ang everyday ko sa classroom. :)) hihihi.

High hopes. Nakakatulong pala talaga ito para mas maging positive ang aking perspective. Mas masarap umasa kaysa magmukmok na lang.  Mas makakabuting mag-effort kaysa magwalang bahala.  May mas magandang mangyayari kapag naging hopeful ako kaysa magpa-overwhelm na lang.  Pero syempre, bukod sa high hopes, dapat may gagawin talaga ako. Wehehehe.

Push ko na ito! Hopefully, totoo na ito! HAHA. :p

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s