God and suffering

Hmm. Medyo uneasy ako kapag ito yung topic sa radyo tapos sabay kaming nakikinig ni Papa.

“Hindi ganyan yung Diyos na kilala ko” yan ang madalas niyang komento. “Sige nga, paano mo sasabihin sa isang maton na nakapatay na pagsubok lang yan para matuto siya kung hindi naman niya alam na dapat pala siyang magsisi kasi wala namang nagturo sa kanya….”

something ganun yung mga sinasabi niya

Sabi ni Ate Mai, ang sabi raw ng titser niya noon, God speaks in different ways. Kahit through nature.

Sabi ni Papa, language na raw yan ng nakakakilala na sa Diyos.

 

Haay. Napapaisip tuloy ako. Sabi sa Romans 5:3-5,

Not only so, but we also glory in our sufferings, because we know that suffering produces perseverance; perseverance, character; and character, hope. And hope does not put us to shame, because God’s love has been poured out into our hearts through the Holy Spirit, who has been given to us.”

Ayaw ni Papa yung idea na ang dahilan ng suffering ay para subukin tayo o para may matutunan tayo. Hindi raw ganun ang Diyos na nakilala niya. Well, totoo naman na hindi tayo sinusubok ng Diyos, pero hinahayaan niyang mangyari sa atin yun. Bakit? Hmm.

Ang sabi naman sa Bible, lahat ng pagsubok na hinaharap natin ay pinagdaanan na rin ng ibang tao sa ibang dako ng mundo. Wag tayong panghinaan, kasi sa panahon ng pagsubok ang Diyos ang magbibigay sa atin ng kalakasan para mapagtagumpayan iyon.

How can a good God tolerate evil? Why does He allow bad things to happen?

Isa itong tanong sa Discovery Meeting nung first year college ako. Ang sagot: Because God sees the bigger picture.

..

Mahirap tanggapin kung hindi tayo nagtitiwala sa mga plano ng Diyos. Haay.

Pero sa totoo lang, devastating naman kasi talaga yung nangyari sa Visayas. Bakit niya hinayaang mangyari yun sa lugar na iyon? Para matuto sila? Well, agree ako sa ilang nagsasabi na isa yung panawagan para muling itiwala sa Diyos ang buong buhay natin. Pero lagi at lagi, nung mga panahong iyon, kahit mga pastor ay nagtatanong. At pagkatapos ng sermon, ang sagot: Hindi ko alam. Walang makapagsasabi kung ano ang eksaktong dahilan bakit nangyari yun sa Visayas. Ang Diyos lang ang nakakaalam. God sees the bigger picture. Alam niya ang nangyayari. God is in control. Haay.

Tiwala. Yun talaga ang big word dito e. Tiwala sa Diyos. Na kontrolado niya ang sitwasyon.

 

Nabasa ko ito kanina: sa John 9

As he went along, he saw a man blind from birth. His disciples asked him, “Rabbi, who sinned,this man or his parents, that he was born blind?”

“Neither this man nor his parents sinned,” said Jesus, “but this happened so that the works of God might be displayed in him. As long as it is day, we must do the works of him who sent me. Night is coming, when no one can work. While I am in the world, I am the light of the world.”

Madalas iniisip natin na ang suffering ay dahil sa sin ng tao. Hmm, well totoo namang may consequences ang sin. Pero hindi siguro lahat ng suffering ay dahil sa kasalanan ng tao. Halimbawa na lang yung bulag na pinagaling ni Jesus. O yung mas sikat pa- yung buhay ni Job. Haay huhu. Kaiyak din yun kasi ang tagal nilang pinagdiskusyunan ng mga kaibigan niya kung bakit nangyayari sa kanya yun. Pero lagi at lagi, sa mga ganitong pagkakataon, gaya nga ng sabi ni Jesus, naipapakita ang kapangyarihan ng Diyos.

Nakakaiyak isipin pero hindi tayo dapat magalit sa mga nangyayari sa mundo, sa buhay. Ang kailangan ay magtiwala sa Diyos, sa kapangyarihan niya. Job 42:

1 Then Job replied to the Lord:

“I know that you can do all things;
    no purpose of yours can be thwarted.
You asked, ‘Who is this that obscures my plans without knowledge?’
    Surely I spoke of things I did not understand,
    things too wonderful for me to know.

“You said, ‘Listen now, and I will speak;
    I will question you,
    and you shall answer me.’
My ears had heard of you
    but now my eyes have seen you.
Therefore I despise myself
    and repent in dust and ashes.”

Hindi pa ako nakaranas ng bonggang-bonggang pagsubok o kahirapan. Compared sa mga Yolanda survivors, katiting lang ang mga challenges sa buhay ko. Pero sa mga yun, may natutunan pa rin ako. Alam ng Diyos ang ginagawa niya. May dahilan ang lahat ng pangyayari sa mundo. Walang karanasang nasasayang.  Ultimately, sa lahat ng ito, makikita natin ang kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa ating mga buhay. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s